Friday , April 19 2024

Messi nakuha sa tiyaga

00 rektaNakuha sa tiyaga ng hineteng si John Alvin Guce na maitawid ng primera ang kanyang sakay na si Messi sa naganap na 2015 PHILRACOM “5th Leg, Imported/Local Challenge Race” sa pista ng Metro Turf, sa Malvar, Batangas.

Sa alisan ay bahagyang inalalayan sa ayre ni Alvin si Messi at hinayaan muna ang ilang kalaban na magdikta ng harapan. Pagdating sa kalagitnaan ay medyo sinimulan na ni Alvin na hingan si Messi at nagresponde naman agad si kabayo mula sa ikalimang puwesto. Pagdating sa tres-oktbos (600-meters) ay nakalapit na sila sa mga nauunang kalaban na sina Bentley, Silver Sword at Strong Champion. Pagsungaw sa rektahan ay halos magkapanabayan na silang apat, kaya umaatikabong ayudahan pagpasok sa huling 200 metro.

Sa huling 100 metro ay bahagyang lumamang ang nasa may tabing balya si Silver Sword, subalit sa lakas ng pagremate at  tindi ng ayuda ni Alvin ay nakaungos si Messi pagsapit sa meta. Naorasan ang tampok na pakarerang iyan ng 2:05.4 (24’-24-24-24’-28’) para sa 2,000 meters na distansiya. Mapapanood ang replay sa youtube na may titulong “MMTCI_082315_R04”.

Sa darating na Linggo ay suportahan natin ang pakarera ng pamilya Bagatsing sa pista ng San Lazaro sa Carmona, Cavite, kabilang diyan ang 2015 PHILRACOM “1st Leg, Juvenile Fillies/Colts Stakes Race”. Kaya ngayon pa lamang ay paghandaan na ang mas kapana-panabik na bakbakan ng mga thoroughbreds, lalo na iyong mga bagitong 2YO na mananakbo.

REKTA – Fred Magno

About Fred Magno

Check Also

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

MILO 60th Anniversary

 MILO Philippines kicks off 60TH year celebration;  underpins commitment to grassroots sports development

15 April 2024 | Manila, Philippines – In a celebration event to mark its 60th …

Sambo PH team TOPS Paolo Tancontian Ace Larida

Sambo PH team potensiyal sa int’l arena

KUNG medalyang ginto ang nais ng sambayanan mula sa contact sports, ibilang ang Sambo sa …

Smart Asian Volleyball Confederation Nuvali

Asia’s beach volleyball squads maglalaban sa Smart AVC Beach Tour Nuvali Open

ELITE action returns sa world-class Nuvali Sand Courts sa City of Santa Rosa at ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *