Thursday , April 25 2024

CIDG mayroon daw palang ‘volunteers’ bagman & ikot-tong ngayon!?

050815 police bagman moneyNAWALA lang si dating PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief, Gen. Benjie Magalong nagkaroon na ng ‘voluntary’ bagmen at ikot-tong?!

Walang ganyan si Gen. Magalong noong nakaupo siyang CIDG director!

Ang mga nagtatalaga sa sarili nila bilang ‘voluntary’ BAGMEN at  IKOT-TONG ay nag-meeting pa sa Luxent Hotel sa Timog Avenue, para pag-usapan ang hatian ng teritoryo, nang walang kaalam-alam si newly appointed CIDG chief, Gen. Victor Deona.

Aba, ibang klase raw ang kumpas ng isang alyas KLYDE FERNANDEZ, itinuturong dating operator ng jueteng sa Pangasinan, na para bang awtorisadong-awtorisado kung makipag-meeting kina alias JORGE BWENO kilalang operator ng mga KTV/CLUB cum putahan sa Quezon City with sidelights na bola jueteng sa loob ng club niya; ROMIE TOLENTINO, JHUN PULO, nagpapakilalang barangay kawatan ‘este kagawad sa Quezon City; at isang alyas MANONG na nagpapakilala namang ex-pulis.

Saan o kanino ba nanghihiram ng kapal ng mukha at lakas ng loob itong sina KLYDE, BWENO, ROMIE, Jun Pulo at Manong at parang kayang-kaya nilang paikutin si Gen. Deona?!

Hindi sila nakaporma kay Gen. Magalong kaya gustong subukan si Gen. Deona?!

Paging PNP chief, DG Ricardo Marquez!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *