Wednesday , December 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / #KalyeSerye ng AlDub, hiniling gawan ng DVD version

#KalyeSerye ng AlDub, hiniling gawan ng DVD version

082015 Aldub kalyeserye

00 SHOWBIZ ms mIBANG klase na talaga ang kasikatan nina Alden Richards at Yaya Dub o Maine Mendoza na bida sa #KalyeSeryeng Eat Bulaga!. Hindi mo na mabilang ang mga tahanang tumututok sa kanila tuwing tanghali gayundin ang mga kinikilig sa mga pabebe moments nila.

Ang latest, bukod sa marami ang naghihintay sa pagtatagpo ng AlDub na mangyayari raw sa tamang panahon, may nagre-request na fans na magkaroon ng DVD ang #KalyeSerye. Para siguro ito sa mga nag-oopisina o mga pumapasok sa school na hindi nakakatutok dito.

READ MORE:  Tol Idol and Friends concert, suportado ng mga sikat na singer

Bagamat maaari mo namang mapanood ito sa Facebookaccount ng Eat Bulaga, iba pa rin siyempre ang tuloy-tuloy o sa pamamagitan ng DVD.

Sa totoo lang, hindi lang naman kasi pagpapa-cute o puro ukol sa ligawan ang #KalyeSerye. May good values din ang naituturo nito sa atin tulad ng tinuran noon ni Lola Nidora na hindi nadadala ang lahat sa madalian. Tila ibinabalik pa nga rin dito ang tamang paraan ng panunuyo o kung paano ligawan ang mga babae.

READ MORE:  Lea, pinalakpakan sa Tony Awards 2018

Naitanong namin kay Ms. Malou Fagar, Senior Vice President and COO  ng TAPE Inc., Eat Bulaga, ang ukol sa request na DVD, at sabi niya’y itse-tsek niya ito kung posible. Kaya sa fans na humihiling ng DVD, wait lang tayo malay n’yo mapagbigyan ang request na ito.

READ MORE:  Calgary’s Song Princess na si Mary Kate, nasa ‘Pinas

Iba na talaga ang AlDub. Bukod sa marami ang gustong lagi silang makita at mapanood, inile-level na rin sila saKathNiel, Jadine, at LizQuen na hindi naman imposible dahil napakarami na rin talaga ng kanilang fans.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved