Friday , March 29 2024

Angel at Luis, may isyu sa usaping pera

082015 Angel locsin luis manzano

00 fact sheet reggeeKUNG sakaling itutuloy ni Luis Manzano ang pagpasok sa politika, sariling pera raw niya ang gagamitin sa kampanya.

“Oo nga, problema ko siguro baka isang barangay lang ang makakampanya ko kapag ganoon,” tumawang sabi muna ni Luis.

“Oo naman, lalo na ang Comelec ngayon is very strict pagdating sa campaign expenses. Oo, naman, bakit naman ako aasa sa pera ng iba kung gusto kong tumulong, eh, ‘di magkaka-utang na loob pa ako,” paliwanag pa ng aktor.

Paano kung may mga gusto talagang tumulong at willing to give, tatanggapin ba ni Luis?

“Hindi naman maiiwasan ‘yan, pero at the same time kasi, gusto ko klaro, hindi porke’t nag-support ka, eh, may utang na loob na ako, kumbaga magkakaroon ako ng favors to be granted. Hindi naman ganoon, napaka-trapo naman ‘yun!”mabilis na sagot ng Voice Kids 2 host.

Paano kung ang girlfriend niyang si Angel Locsin ang magbibigay ng financial support sa kandidatura niya?

“Wow, ako kasi hindi ko hinahalo ang pera sa love, eh. Para sa akin, now, ayoko talaga. Kaya kami ni Angel ‘pag lumalabas kami, split kami sa pera, split kami sa check o kaya ‘pag kumakain kami sa labas na ako nagbabayad, the next time, siya talaga.

“Kasi nga ayokong haluan ng pera ‘yung kaming dalawa and were both agreed, may ganoon kaming dalawa, sabihin na nating isyu,” pagtatapat ni Luis.

Marami ang nagulat sa set-up ng dalawa pagdating sa money matters kaya pala noong tanungin din namin si Luis dati kung sumosyo si Angel sa LBR Taxi company niya ay hindi raw siya pumayag at sabi nga niya, ayaw niyang haluan ng pera sa negosyo ang relasyon nilang dalawa.

Samantala, natanong din ang aktor kung sakali ay papapirmahin niya ang dalaga ng PreNup?

“Definitely, mas maraming pera sa akin si Angel kaya kong sabihin ‘yun, ‘di ba sobra! Kung anuman mayroon ako, katiting lang ‘yun sa mayroon siya kaya ang kapal ko namang humingi ng PreNup,” mabilis na sagot ni Luis.

‘Di pa sure kung tatakbo o hindi

Going back sa kandidatura ni Luis, inamin niyang kinukulit din siya ni Angel kung ano ang plano.

“In fact we had a conversation two nights ago na were discussing my quote and quote political plans, you know I need to decide soon if I feel I need to run.

“Basta, ayoko muna i-reveal, kung si Grace Poe nga may time table rin para sa sarili niya,” bungad ni Luis sa tanong.

As of now ay, ”talagang 50-50, walang 51% walang 49%, talagang 50-50.

“Myself is the only one that can convince me if I run, no one can convince me, If I wake up na ‘okay I want to serve, then I will run,” kuwento ng Voice Kids 2 host.

Hindi raw siya itinutulak ninuman o ng nanay niyang si Batangas Governor Vilma Santos-Recto na kumandidato.

“No, wala, sorry for the term, sabi niya, ‘bahala ka sa buhay mo, kahit anong gawin mo, suportahan ka namin.’ My mom, my tito Ralph (Recto) and my dad (Edu Manzano). They’ll never told me not to (run) or to go for it,” pahayag ni Luis.

Sa isyung ginagamit niya ang pagiging celebrity niya,”Well, mayroon din naman kasi na talagang gumagamit, but you know, ako kasi, I have the perfect example, my mom, kumbaga sinasabi nila, ang artista is a lousy job kasi nga puro showbiz lang, pero for a few na talagang ginagawa ang trabaho nila and you know, I have the perfect example of me, my mom, she did a great job, not even a great job, she did an excellent job galing siyang artista, so bakit hindi ko puwedeng sundan,” katwiran ng TV host.

Maging si Governor Vilma ay wala pa ring plano sa 2016 election, ”wala, eh, we had dinner last month, sabi niya wala talaga at sabi nga niya, mas gusto niya ang hands-on, malay natin baka she’ll take one term pass and rest, then she’ll run for governor again or maybe she’ll go back to her roots, mag-Mayor siya ng Lipa (City), ‘di ba puwedeng-puwede rin ‘yun kasi I’m sure na-miss siya ng mga Lipeno, malay natin ‘di ba?

“Baka naisip niya, ayoko munang mag-governor, takbo muna ako ng Lipa, it’s very possible,” pahayag ni Luis.

At kung desidido nang pasukin ni Luis ang politika ay hindi naman daw mauurong ang kasal nila ni Angel, ”hindi naman, parang hindi naman na alam kong may tataas ang kilay diyan na gamitan na luma na.

“For example, a proposal would come, sasabihin nila, ay kasi tatakbo, ganyan-ganyan, ang mga tao parating may nasasabi,” sabi ng binata.

At sa tanong namin kung anong partido siya ay, ”well, my mom is under admin (administration) kung sakali man, inuulit ko, kung sakali man, talking lang talaga, well admin dahil naniniwala rin naman talaga ako sa kanila (administration),” diretsong sagot ni Luis.

LBR taxi apektado ng Uber at Grab

Natanong din namin si Luis kung apektado ba ang LBR taxi business niya sa Uber at Grab taxi companies na mas gusto ngayon ng commuters.

“May kaunti naman, kasi ‘yung sa amin naman, were providing the same service naman, they’re providing transportation from point A to point B, so kumbaga, bakit kami (LBR) kailangan ng mahabang process na pagdaraanan para magpatakbo ng isang taxi, samantalang sila (Uber at Grab), hindi pa sila (rati) accredited, pero ngayon accredited na (kahapon lang), bakit sila app (application) lang? Samantalang were providing all the same (services) point A and point B.

“Yes we understand, paminsan-minsan, admittedly, may mga malokong drivers at the same time, marami rin akong naririnig na maganda rin naman tungkol sa drivers namin, but basically, only one in level plain field, ‘yun lang ‘yun,”paliwanag ng aktor.

Tinanong namin kung ilang units na ang LBR at, ”okay lang, wala pa kaming 1,000.”

Bakit kulay pink LBR? ”Malalaman mo kaagad na sa amin ‘yun.  In fact kaya kami kinuha kaagad ng LTFRB for their pink advocacy kasi nagpahiram kami ng 60 (units) taxi na para i-prioritize ang kabataan, kababaihan, ayokong sabihing mga matatanda, mga mature and person with disability. So, sa mga mall, sila ‘yung priority ‘yung time na ‘yun.

“At kaya pink kasi noong time na nasa Bangkok (Thailand) kami rati, ang nakita kong taxi,may, yellow, green, nasanay tayo, at least ito, kapag nakita mong pink, 99.95 alam mong LBR ‘yun,” sabi pa ni Luis.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *