Friday , April 26 2024

Willie, pinagkakakitaan ng GMA

032315 willie
NGAYON inaamin ni Willie Revillame, hindi pa siya kumikita sa kanyang ginagawang show sa Channel 7. Inaamin na rin niya ang napakalaking gastos niya bilang producer ng kanyang show.

Nakapagbitiw na rin siya ng salita na may mga ibang properties pa naman siyang maaaring ibenta para masuportahan pa ang kanyang show. Ang kinita niya in the past, nagagamit niya ngayon sa kanyang bagong programa.

Kung kami ang tatanungin, talagang mahihirapang kumita si Willie maliban na lamang kung makukumbinsi niya ang GMA 7 na at least maging co-producer niya ng kanyang show. Eh sa takbo ng kanyang show, hindi pa nagsisimula iyon may utang na siya eh. May airtime kasi siyang kailangang bayaran. May pumasok man o walang commercials, may bayad ang airtime niya. Ang malaki ang kita riyan ay ang network, dahil wala silang iniintindi, mayroon silang programang parang full load ang commercials. Bayad ang airtime eh, wala pang inilalabas na puhunan. Bonus pa iyong may maganda silang pre-programming para sa susunod nilang show.

Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *