Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / MVP nalungkot sa Gilas (Baldwin nagbigay ng deadline)

MVP nalungkot sa Gilas (Baldwin nagbigay ng deadline)

080615 gilas pilipinas fiba
NAGPAHAYAG ng kanyang sama ng loob ang pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na si Manny V. Pangilinan sa nangyayari ngayon sa Gilas Pilipinas na naghahanda para sa FIBA Asia Championships sa Tsina sa susunod na buwan.

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, naipahayag ni Pangilinan ang kalungkutan dahil sa pag-atras ng mga manlalaro sa national pool na ititimon ngayon ni  coach Tab Baldwin dahil sa iba’t ibang mga rason tulad ng pilay at pagod, bukod sa ayaw pahiramin ng San Miguel Corporation ang mga manlalaro nila sa national team dahil sa kanilang sariling interes tungkol sa negosyo.

READ MORE:  Servania ikakasa kay Rigondeaux

“Sad day for Phil basketball. But thank you to the team which helped the national cause. Laban Pilipinas. Puso,” pag-tweet ni Pangilinan.

READ MORE:  Patas sa mas maikling distansiya

Ilan sa mga manlalarong umatras sa Gilas ay sina June Mar Fajardo, LA Tenorio, Greg Slaughter at Marcio Lassiter habang hindi pa sumisipot si Marc Pingris sa ensayo ng Gilas kahit umuwi na siya mula sa Pransya kung saan binisita niya ang ilan niyang mga kamag-anak.

READ MORE:  2 pang jockeys iimbestigahan ng PHILRACOM

Dahil sa pangyayaring ito, nagbigay ng taning si Baldwin kina Pingris hanggang sa susunod na linggo na sumipot na sa ensayo ng national team sa Meralco Gym sa Pasig

Nakatakdang umalis ang Gilas patungong Estonia upang sumabak sa training camp doon.

(James Ty III)

COMMENTS

About James Ty III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved