Thursday , April 25 2024

Bossing Vic, posibleng isama si Yaya Dub sa MMFF movie

081815 vic sotto yaya dub

THERE’S a phenomenon now called Yaya Dub. Saan man ako magpunta, people are asking me about her. Na nakaiirita na. Sobra na, nakukulitan na ako, sobra na ang Yaya Dub na ito.

Anyway, she is now a big name. A creation of Eat Bulaga. I just hope na hindi siya maging monster sa bandang huli na alam naman nating sub-culture na sa showbiz. Hopefully, she will remain humble hanggang sa huli. Pero ‘di kaya ‘yun imposible? Actually, wala pa namang sumikat na hindi naging monster sa bandang huli.

Yaya Dub is given full management attention now sa Eat Bulaga. Kumbaga, she is the star of the show, pero hanggang kailan? This thing enjoyed by Yaya Dub will die down. Lahat naman ng tumaas ay bumababa. ‘Yan ay law of gravity at hindi imposibleng mangyari sa kanya. Sana at this point nag-iisip na sila kung saan babagsak sa bandang huli si Yaya Dub.

Pero teka, hindi kaya isama si Yaya Dub sa pelikulang pam-festival ni Vic Sotto?

‘Pag nagkataon, maganda ang kombinasyon. Vic-AiAi at Al-Dub.

Well and good, popularity is being served to her with a golden spoon. Pero dapat niyang alamin na may wakas ang ganito.

How? Paano nga ba magwawakas sa bandang huli si Yaya Dub?

 Edward, umaasang mabibigyang pagkakataon sa music industry

AT habang pinagkakaguluhan ang phenomenal na si Yaya Dub, marami ang mga nagnanais na mabigyan ng pagkakataon. Si Yaya Dub ay exception sa rule na lahat ng mga gustong makapasok sa main stream ay dumaraan sa mga pagsubok.

Well, sana mabigyan ng ganyang suwerte si Edward Benosa, an upcoming singer na matagal nang nangangarap na mapasok ang showbiz.

Nakausap namin sa isang press forum si Edward at nagpa-sample ng mga kanta sa kanyang album. Palakpakan talaga ang lahat at humingi pa ng encore number kay Edward.

Sabi namin nagdaan sa maraming hirap si Edward pero ngayon nabibigyan na siya ng breaks.

Salamat daw sa Star Records na nagbigay ng pagkakataon sa kanya. Kahit paano, ngayon, Edward is enjoying a minor popularity. Actually, bago sa ang kanyang album sumikat na ‘yung carrier single na Di Man Lang Nagpaalam. Nag-number one raw ito in the past and Edward is holding on na sana ito na talaga ang simula.

Naging talent din daw siya ng Backroom under Boy Abunda but when given the chance heto na nga siya sa Star Records at namamayagpag din siya.

 

THE GOSSIPMILLER – Cesar Pambid

About Cesar Pambid

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *