Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Second wind para kay Paul Artadi sa Blackwater

Second wind para kay Paul Artadi sa Blackwater

081715 paul artadi
MUNTIK nang magretiro ni Paul Artadi sa pagwawakas ng huling season ng PBA campaign matapos gugulin ang halos lahat ng panahon na nakabangko sa laban ng Meralco.

Ngayon ay nagpapasalamat si Artadi na ipinagpaliban niya muna ang planong magretiro para makakuha ng ‘second wind’ sa kanyang pro career.

Sa pagkakahanap ng bagong tahanan sa expansion franchise na Blackwater, ine-enjoy ngayon ni Artadi ang career-highs na 9.2 puntos at 3.7 assist sa 25 minutong aksiyon sa season-opener ng Philippine Cup. Kinuha ng Blackwater ang 33-anyos na basketbolista mula sa dispersal pool, umaasang ang karanasan ng limang talampakan at sampung pulgadang guard ay makatutulong sa Elite sa kanilang maiden campaign sa popular na pro league.

READ MORE:  PHILRACOM naglaan ng P2-Milyon sa pakarera ng PCSO at PHILTOBO

Sa ngayon ay umaani naman ang ginawang pagtaya kay Artadi.

“Yes, expansion team kami at kami ang mga veterans dito. Kami ang ina-atasan ni coach mag-lead, at medyo kahit wala kaming kompiyansa, dahil from our mother team (before), kami ang bangko or reliever kami, dito, binibigyan kami ng chance maglaro talaga,” pahayag ng dating pambato ng University of the East.

Hindi nagkaroon si Artadi ng kahintulad na exposure noong kasama siya sa koponan ng Bolts nang nakaraang taon matapos makapaglaro lamang ng 11 game bago mapalagay sa listahan ng unprotected players ng Meralco nitong nakaraang buwan ng Hulyo.

READ MORE:  Alas puwedeng ipalit kay Lee — Guiao

“Noong time kay coach Ryan (Gregorio) before, na-injury ako, may bone spurs ako so inoperahan ako at out ako for two seasons. So parang iniisip ko mag-negosyo na lang ako,” pag-alala ni Artadi.

Ngunit binigyan siya ng lakas ng loob na subukang muli ng kanyang maybahay at mga magulang, lalo na nang pumasok ang dalawang expansion teams na Blackwater at KIA Motors. “Pero ‘yung parents ko saka wife ko, gusto pa nila akong makitang maglaro. Saka bata pa mga anak ko, gusto nila akong makita na naglalaro,” aniya.

READ MORE:  Ateneo winalis ang elims ng Spikers Turf

Nagpapasalamat din si Artadi sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Blackwater coach Leo Isaac. “Nag-go pa rin ako sa sarili ko na maglaro ako, tingin ko puwede pa naman siguro maglaro at kaya pa naman,” paliwa-nag ng pamosong guwar-diya ng expansion team.

Umiskor siya ng game-high 21 points, habang nakapagtala rin ng 5-sa-9 mula sa three-point zone sa kabila ng pagkatalo ng Blackwater, 100-91, sa Barangay Ginebra.

“Pero ngayong nasa Blackwater na ako, may kompiyansa talaga akong tumira ngayon kasi ina-allow ako ni coach tumira e, ginagawa ko rin sa practice, so consistent naman,” kanyang konklusyon.

ni Tracy Cabrera

COMMENTS

About Tracy Cabrera

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved