Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ate Vi tiyak ang panalo, kongresista man o VP

063015 vilma santos
BAGAMAT nalalanghap na natin ang electoral air in our midst, Batangas Governor Vilma Santos-Recto remains consistent with her stand: wala pa siyang political agenda.

Tulad ng alam ng lahat, ikahuling termino na ito ni Ate Vi bilang Inang Bayan ng buong lalawigan at marami ang nanliligaw sa kanya to aspire for a national post: ang maging Bise Presidente.

But consistent that the actress-politician has always been, kung “fate” o tadhana ang magdadala sa kanya sa puwestong ‘yon ay bahala na, she’ll make sure na magagampanan niya ang buong husay na iaatang na responsibilidad sa kanya.

Sa kanyang political career, nakagugol na si Ate Vi ng halos 18 years: siyam na taon or equivalent to three mayoral terms sa Lipa City, Batangas; and another nine years sa babakantehin niyang puwesto.

Proudly, Ate Vi’s track record will speak for itself. Patunay ‘yon ng mga karangalang iginawad sa kanya.

Sa ngayon, many are speculating na ang susunod na target ng Star for All Seasons ay Kongreso, another local post that still addresses the major concerns of her constituency.

Kung sakali, legislative ang nature ng magiging focus ni Ate Vi. A piece of cake, ‘ika nga, lalo’t nagmula naman siya sa dalawang sensitibong local positions.

Will Ate Vi finally gun for a Congressional seat sa pagkakataong ito, setting aside public clamor para sungkitin ang VP post?

Tandang-tanda pa namin ang kanyang nakatutuwang kuwento bago pa man siya nag-file noon ng kanyang CoC (certificate of candidacy) sa pagka-alkalde sa Lipa.

Ate Vi silently asked for a sign sa kanyang paggising one morning. Ang hiniling na palatandaan ng noo’y hindi pa public servant ay bumungad sa kanya ang isang bungkos na puting rosas sa altar ng kanilang tahanan.

Voila, nang gumising si Ate Vi ay bumulaga nga sa kanya ang kanilang prayer request, takang-taka pa kung sino ang naglagak ng mga puting rosas na ‘yon sa plorera gayong she never told anyone about the sign she earnestly asked for.

Ano naman kaya ang hihilinging senyales ni Ate Vi kung alin sa pagka-VP o Congresswoman ang nakaguhit sa kanyang palad?

Ano’t anuman, Ate Vi will for sure shine sa alinmang puwestong pipiliin niya!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …