Friday , April 19 2024

Mommy ni Kathryn, pinag-aaway ang KathNiel at Jadine?

050815 kathniel jadine

00 fact sheet reggeeCURIOUS kami kung sino ang pinatatamaan ng mommy ni Kathryn Bernardo na si Mommy Min sa post niya sa Twitter account noong Agosto 10 ng gabi. Iisa ang naisip ng JaDine fans na baka ang pinatutungkulan ay ang On The Wings of Love nina James Reid at Nadine Lustre na talagang nag-trending din habang ipinalalabas noong Lunes pagkatapos ng Pangako Sa ‘Yo.

Halos pareho raw kasi ang kuwento ng KathNiel serye at JaDine na magkaaway sa umpisa at naging okay naman sa bandang gitna at magkakagustuhan sa katagalan.

Kanya-kanyang post sa social media ang fans ng dalawang love team para mag-trending at siyempre ayaw magpatalo ang bawat isang balwarte.

Nakatatawa lang dahil hindi dapat pinag-aaway ang KathNiel at JaDine loveteam dahil nasa iisang network sila, ang dapat nilang harapin ay ang mga katapat nilang programa sa ibang network dahil iyon ang kalaban.

Anyway, nagbubunyi sa tuwa’t saya ang JaDine  team dahil nakamit nila sa pilot episode ng On The Wings of Love, ang rating na 22.1% kompara sa katapat nitong My Faithful Husband na 12.7% lang base sa datos mula sa Kantar Media.

Maging sa ibang bahagi ng bansa kabilang ang urban areas ay panalo rin sa TV rating na 23.4% kompara sa 15.3% na katapat, at sa rural areas na nakakuha ng 20.4% kontra sa 9.2% ng kalaban.

Nakakuha naman ang On the Wings of Love ng 22.5% sa Mega Manila laban sa 19.6% ng programa ng GMA, at 24.4% naman sa Metro Manila kompara sa 15% ng katapat.

Nakatataba ng puso ang magandang balitang ito bukod pa sa mga positibong tweet ng netizens sa microblogging site na Twitter na naging worldwide trending topic ang official hashtag ng programa na #OTWOLArrival.

Abangan ang episode na pilit na pinagtatagpo ng tadhana sina Clark (James) at Leah (Nadine) sa San Francisco at kung paano magbabago ang takbo ng buhay nila sa Amerika sa oras na gumawa sila ng kasunduan na makatutulong sa problema ng isa’t isa?

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *