Categories: News

KWF: Hataw Huwaran (Filipino hindi Pilipino)

ITINUTURO ni Dr. Purificacion Delima, Full-time na Komisyoner sa Ilokano ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) kasama sina Dr. Benjamin Mendillo at G. John Enrico Torralba na kapwa officer-in-charge sa Edukasyon at Networking, ang logo ng pahayagang HATAW bilang isa sa mga huwarang diyaryo pagdating sa pagpapalaganap ng wastong paggamit ng Wikang Filipino sa pagbabalita sa ginanap na Kapihang Wika sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Intramuros, Maynila nitong Biyernes, Hulyo 31, 2015. (Kuha ni BONG SON)

HINIRANG ng Komisyon sa Wikang Pilipino (KWF) ang Hataw Tabloid bilang isa sa mga huwarang diyaryo pagdating sa pagpapalaganap ng wastong paggamit ng Wikang Filipino sa pagbabalita sa ginanap na Kapihang Wika sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Intramuros nitong Biyernes.

Layunin ng Kapihang Wika na ipalabas sa unang pagkakataon ang Kapasiyahan ng Kalipunan ng mga Komisyoner Blg. 15-08 Serye ng 2015 patungkol sa pagpatibay ng kapasiyahan para sa mungkahing paggamit ng “Filipino” sa halip na “Pilipino” bilang pantukoy sa tao at kultura ng Filipinas.

Sa mabilisang pag-uulat ni G. John Enrico Torralba, Officer-in-charge ng Sangay ng Edukasyon at Networking, sa paggamit ng Wikang Filipino sa Midya, kaniyang ibinida ang karamihan sa ulo ng balita ng Hataw tabloid na gumagamit ng tamang pagbaybay, pagbabantas at wastong paggamit ng Wikang Filipino.

Umani ng papuri ang nasabing diyaryo kabilang ang miyembro nito dahil sa suportang ibinibigay sa KWF lalo sa pagsulong ng estandardisadong paraan ng paggamit ng Wikang Filipino.

Bukod sa Hataw, kinilala rin ang tatlo pang pahayagan bilang tagapagsulong sa layon ng Komisyon.

Patuloy na hinihikayat ng panauhing tagapagsalitang si Dr. Purificacion Delima, Full-time na Komisyoner sa Ilokano, hindi lamang ang mga pahayagan kundi pati radio at telebisyon sa wastong pagpapalaganap ng Ortograpiyang Filipino.

Sa kabilang banda, nakahanay na ang mga aktibidad ng KWF para sa darating na pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.

Kaugnay nito hinimok ng KWF ang mga taga-midya na maging mapanuri sa tamang paggamit ng Wikang Filipino.

Ayon kay Dr. Delima, napalakas ng impluwensiya ng midya, hindi lamang sa National Capital Region (NCR) kundi sa buong Filipinas kaya’t nararapat na tama ang paggamit ng wikang Filipino.

“Mahirap naman po na sa paaralan ay tinuturuan sila (mga mag-aaral) ng tamang porma ng wikang Filipino pero pagdating naman sa TV, sa radio, sa print media… e, taliwas sa kanilang natutuhan,” dagdag ni Dr. Delima.

Aniya, hindi hiram na mga titik ang f, v, z dahil may mga salita mula sa ilang rehiyon, na dati nang kabilang sa Wikang Pambansa, na ginagamit ang nasabing mga titik.

Layunin nito na magkaroon ng konsistensi sa pagbabaybay ng salitang “Filipino” bilang wika, tao at kultura.

Hinikayat ng mga tagapagsalitang na pasimulan ng mga mamamahayag na dumalo ang paggamit ng nasabing pagbabago.

Bagaman nitong Biyernes lang naisapubliko, noong Mayo 2015 ipinagtibay ng nasabing kalupunan ang kapasiyahan ng KWF.

ni Rhea Fe G. Pasumbal

May kasamang ulat nina

ANNE MARIELLE EUGENIO,

BEATRIZ Q. PEREÑA

COMMENTS
Rhea Fe G. Pasumbal

Share
Published by
Rhea Fe G. Pasumbal

Recent Posts

Mathay, aatras; Willie, tatandem kay Paulate

PINAHIHINTULUTAN ng Comelec ang tinatawag na substitution o pagpalit ng kandidatong nauna nang nag-file ng kanyang certificate of candidacy o…

6 hours ago

3 kandidata ng Miss Earth, pare-pareho ng reklamo

SA umano’y tatlong biktima ng sexual harassment, si Miss Earth Guam lang ang matapang na nagpangalan sa pageant sponsor na…

6 hours ago

Sunshine, open na sa relasyon nila ni Macky Mathay

KAPANSIN-PANSIN na mukhang mas open na ngayon si Sunshine Cruz sa kanyang relasyon sa kanyang inaamin na niyang boyfriend na si Macky Mathay. Karapatan…

6 hours ago

Atty. Falcis, may bagong inaaway

NAG-POST na naman si Atty. Jesus Falcis, siya iyong abogadong nakagalitan ng Korte Suprema noong dumating na hindi tama ang bihis ayon…

6 hours ago

Alessandra, may pauso sa pagpapakalbo?

NATATANDAAN namin, noong araw basta ang isang babae ay pinaparusahan ng kanyang mga magulang, na ang karaniwang dahilan ay “kalandian”,…

7 hours ago

Sa paglamig ng AlDub, popularidad ni Alden, bumaba

UMAMIN na rin si Alden Richards na alam niyang siya ang sinisisi ng marami kung bakit hindi naging totoo ang love team…

7 hours ago