Saturday , April 20 2024

Davao del Norte niyanig ng magkakasunod na lindol

NIYANIG nang magkakasunod na lindol ang bayan ng Santo Tomas, Davao del Norte simula nitong Sabado hanggang Linggo.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), unang niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang bayan ng Santo Tomas, dakong 11:17 Sabado ng gabi.

Tumama ito sa lalim na walong kilometro at nadama ang intensity 4 na pagyanig sa Sto. Tomas habang intensity 3 sa Davao City.

Nasundan pa ito ng magnitude 3.5 na lindol sa kaparehong bayan, dakong 11:37 p.m.

Mula 1 a.m. hanggang 8:52 a.m. nitong Linggo, nakapagtala pa ng magnitude 3.2, 3.4 at 3.7 na pagyanig sa Sto. Tomas.

Walang inaasahang pinsala ang Phivolcs sa kasunod ng mga nabanggit na paglindol.

About jsy publishing

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *