Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bagyo papasok sa PAR sa Miyerkoles

Bagyo papasok sa PAR sa Miyerkoles

NAKAAMBANG pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkoles ang isang bagyo.

Sinabi ni PAGASA weather forecaster Jun Galang, huling namataan ang severe tropical storm na may international name na “Soudelor” 1,570 kilometro (km) sa labas ng PAR.

Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 90 km bawat oras at pagbugsong aabot sa 110 km bawat oras.

Sinabi ng PAGASA na hindi inaasahang mag-landfall ang bagyo sa bansa.

“Kung hindi naman magkaroon ng drastic na pagbabago talaga, hindi naman po ito magla-landfall sa atin. Papasok po siya sa PAR and ang expected natin e mga araw po ng Miyerkoles. Asahan po natin na maaaring ma-enhance niya itong southwest monsoon o ‘yung habagat. Ang unang maaapektohan po niyan ‘yung mga kababayan natin sa Mindanao tapos Visayas then eventually Luzon na,” sabi ni Galang.

COMMENTS
READ MORE:  Romualdez naghamon sa presidentiables: Climate Agenda Nasaan?

About jsy publishing

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved