Friday , April 26 2024

Congrats General Joel Pagdilao (Mabuhay ka rin ‘Bagman’ Jay Agkawili)

00 rex target logoBinabati natin ang bagong hirang na director ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si General Joel Pagdilao.

Produkto ng Philippine Military Academy (PMA) Class 84 ang 52-anyos na heneral. Dating director ng isa sa pinakamalaking siyudad sa bansa, ang Quezon City Police District.

Isa si Pagdilao sa masasabing opisyal na naging maganda at manining ang naging police career.

Naging epektibong director ng QCPD bagong italaga ni Chief PNP, Director General Ricardo Marquez Marquez sa posisyon ng NCRPO Director.

Kasabay ng appointment na ito ni Pagdilao ang mas mabigat na responsibilidad para panga-lagaaan ang katahimikan at kaayusan ng buong Metro Manila.

Maganda ang track record ni Gen. Pagdilao. Masinop sa kanyang pamamalakad sa kanyang mga tauhan. Ika nga, estrikto ngunit may puso at sadyang may compassion sa kanyang mga kabaro.

Ang hindi lamang maganda rito sa appointment ng mabunying heneral ang kanyang karay-karay na aso na nagngangalang JAY AGKAWILI na malaon nang isinusuka ng mga negosyante at ilegalista sa buong Kamaynilaan.

Si JAY AGKAWILI na raw ang ‘self proclaimed bagman’ ng buong NCRPO.

Abala na raw ang tarantado sa pagkausap sa lahat ng ‘players’ sa buong Metro Manila. Mula sa mga negosyante at at ilegalista tulad ng ope-rators ng night clubs at sauna bath parlors hanggang sa financiers ng illegal gambling at maging mga tulak ng droga.

Si JAY AGKAWILI umano ang tinaguriang ‘major pain’ ng gambling operators dahil sobra umanong magtarya sa mga ilegalista.

Wala umanong patawad ang mamang pulis na si AGKAWILI maging ang mga dagang dingding gaya ng street pushers ay pinapatungan.

Short background kay JAY AGKAWILI, ma-tagal na umanong nasa circulation ng payola collections.

Identified kay retired General now Cong-ressman Samuel ‘Sammy’ Pagdilao.

Sa bantot ng pangalan ni AGKAWILI na direktang iniuugnay sa pangalan ni Congressman Pagdilao na kung tawagin ay Senator Pagdilao, hindi kaya makasira sa political ambitions ng retiradong heneral na ngayon ay mambabatas na si Boss Sammy Pagdilao.

Si JAY AGKAWILI daw ang isa sa campaign fund raiser nitong si Boss Sammy kaya parang tropo kung umorbit sa apat na sulok ng Metro Manila.

Magaling talaga siguro si AGKAWILI, biro ninyo dalawang Pagdilao na ang kanyang amo.

Sadyang henyo pagdating sa pagkakakuwartahan.

Ibig bang sabihin nito, susuyurin ng Agka-wili ang buong ‘tabakohan’ sa Metro Manila para makapag-engreso ng isang ‘record-breaking pa-yola collection?

Nagtatanong lamang po dahil ito ang iniiyak ngayon ng mga ilegalista sa buong Metro Manila.

Bukod sa panghahataw na ito ni AGKAWILI, walang kuwenta umanong kausap. Walang tibay na maaasahan.

Intelihensiya nga bang talaga ang forte ng mamang pulis na si AGKAWILI?

Ito umano ang naging stepping stone ng ungas para marating ang ranggong kanyang hi-nahawakan sa ngayon.

MAJOR PAIN JAY AGKAWILI!

Ano ba ito Director General Ricardo Marquez? Hahayaan na lamang ba nating mahilo sa kaiikot si AGKAWILI sa pangongolekta ng payola sa buong NCRPO?

Negosyo na nga bang talaga ang propesyon ng pagpupulis sa panahong ito?

Tiyak na yayaman bigla itong si General Joel Pagdilao dahil sa kanyang asong masiba este masipag.

ABANGAN!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email [email protected]

TARGET – Rex Cayanong

About Rex Cayanong

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *