Friday , March 29 2024

Barangay kawatan ‘este’ kagawad utak ng ilegalidad sa lugar nila (Paging NCRPO RD Gen. Joel Pagdilao)

sugal a riveraImbes gawaing pambarangay ang atupagin ng isang barangay kawatan ‘este kagawad ‘e mas pinagkakaabalahan ang ilegal niyang negosyo na LOTTENG, EZ-2 at BOOKIES ng kabayo sa Tondo, Maynila.

Isang alyas DANI BUKOL na kagawad sa isang barangay sa Antonio Rivera St., Tondo ang umano’y sikat na 1602 operator at ipinagyayabang pa na naka-payong sa ilalim ng isang Gambling Lord na si “Abang” para wala siyang huli sa mga lespu.

Hindi lang ‘yan, nagpakalat pa ang kumag ng mga Closed-Circuit Television (CCTV) sa paligid ng kanyang lugar, hindi para manmanan ang masasamang loob , kundi mabantayan ang mga pulis na papasok at sasalakay sa kanila.

Sonabagan!!!

Mismong sa loob ng bahay niya naka-monitor ang mga CCTV, at wala sa kanilang barangay Hall.

Ilan sa mga kapitbahay ng nasabing kawatan ‘este kagawad ang labis na nagugulat sa pagdagsa ng mga ilegal na sugal sa kanilang barangay.

Hinihiling rin ng mga residente sa nasabing barangay na aksiyonan ng Manila Barangay Bureau at MPD ang talamak na sugal-lupa sa kanilang lugar.

Pero duda sila na may ‘timbre’ na si Kagawad Bukol sa mga pulis at sa city hall.

NCRPO RD Gen. Joel Pagdilao, magandang Buena mano ito sa iyong panunungkulan sa Bicutan.

Paki-sampolan nga ang damuhong kagawad, Sir!  

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *