Saturday , April 20 2024

Daniel, iniisnab noon ng Bench, ngayon sinasanto na

072915 daniel padilla

NEVER kaming naimbitahan sa mga event ni Daniel Padilla involving Bench. Bilang publicist ni Daniel ay never din namang sumama ang loob ko sa Bench.

Ganito lang ‘yan, hindi nila ako kinikilala kaya hindi ko rin sila kilala.

Ilang beses ko na ring na-meet itong si Ben Chan, may-ari ng Bench pero hindi niya man lang ako matandaan. Sabi nga nila, baka sa dinami-rami ng kanyang iniisip na negosyo ay hindi na niya namumukhaan ang ilang nakakasalamuha kaya nirerespeto ko ‘yan.

Sabi naman ng ibang kaibigan, may fixed list na ang Bench kaya imposibleng mabago pa ito. Eh di wow! Sabi pa nila, hindi raw si Chan ang gumagawa ng listahan. Eh totoo naman. Sino naman ang PR ng Bench na siyang nakakakilala sa entertainment media as a whole? Baka naman ang PR nila ay 10 entertainment press lang ang kilala at ‘yun lang din ang nakakakilala sa kanya? Dapat sa estado ni Daniel, hindi naman sa nagyayabang, bilang endorser nila na bukod tanging tinilian at nagpadagundong ng Trinoma or everytime na may event sila ay maging fabulous naman sila sa entertainment press na napakikinabangan din naman nila noh!

Dapat sa ganyang event, they invited 100 entertainment press dahil malakas naman ang hatak ni Daniel noh! Hay naku, ‘am not bitter, fairness lang ang hinahanap ko not only for myself kundi para na rin sa ibang kasamahan sa panulat na dine-deadma lang nitong BENCH! Anyways, isang bonggang congratulations pa rin kay Daniel! Naalala ko lang, noong nag-uumpisa palang si Daniel, sa totoo lang, halos deadmahin ‘yan ng Bench. Pero naintindihan ko sila. Kahit nga naman ako ang may-ari ng isang clothing company, bakit ko nga naman kukuning endorser ang isang artista lalo na’t wala pang napapatunayan sa industriya ‘di ba? But now, sinasanto na ng BENCH si Daniel! See?

REALITY BITES – Dominc Rea

About Dominic Rea

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *