Friday , April 26 2024

Myrtle, pagod nang mag-cosplay kaya magpapa-sexy naman

072815 Myrtle Sarrosa

MARAMI ang naintriga kung bakit pumayag si Myrtle Sarrosa na magign part ng Star Magic Angels gayong established na ang name niya sa showbiz.

Nalaman namin mula kay Myrtle na medyo pagod na rin naman siya sa kanyang cosplay image.

“Kasi gusto kong i-reinvent ang sarili ko. Ayokong ma-stuck lang sa pagiging PBB. Gusto kong mag-get away from that character na cosplayer. Gusto kong ma-establish ang sarili ko who is comfortable and believes na she is beautiful and sexy inside and out,” chika niya sa amin.

“Pero sinabi ko na mahal ko pa rin ang cosplay, so sinabi ko na I will do cosplay lang sa events na kailangan akong mag-cosplay.

“For now, gusto kong mag-level up. Kung dati cute-cute lang ang kino-cosplay ko ngayon ang iko-cosplay ko naman ay mas mature, mas sexy,” dagdag niyang paliwanag.

Sinabi pa ng former grand winner of Pinoy Big Brother na walang competition sa kanilang members ng Star Magic Angels as, “hindi namin tinitingnan ang isa’t isa bilang competitor.

“Iba-iba naman ang character namin. ‘Yung iba very sweet. Ako naman, ang feeling ko it would depend na lang sa character kasi hindi naman namin ka-competition ang isa’t isa. Nasa sarili mo kung paano ka nila makikitaan ng talent.”

Kaiba rin sila sa ibang female groups, saying, “We’re not like the other groups na ano, nagpapakita ng too much skin. Kami may pakita ng kaunti ng skin pero classy pa rin, sexy pa rin, respectful pa rin. Kami ‘yung type na puwedeng i-admire not only men but also women.”

UNCUT – Alex Brosas

About Alex Brosas

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *