Thursday , April 25 2024

5-anyos nahulog sa sasakyan, patay

CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang isang 5 anyos batang babae makaraan mahulog mula sa isang izusu elf sa Brgy. Gucab, Echague, Isabela kamakalawa.

Ang biktimang kinilalang si Estefani Bassig ay kasama ang kanyang tiyahin na si Remedious Fontanilla at ilang kasamahan pauwi mula sa paglalaba sa ilog, sakay ng isuzu elf nang tumayo ang bata na naging dahilan para mahulog.

Nahulog sa sementadong daan ang bata kaya nabagok ang ulo.

Dinala sa Echague District Hospital ang biktima ngunit patay na nang idating sa pagamutan.

Nabatid na ang nanay ng bata ay nasa ibang bansa habang ang kanyang ama ay nasa trabaho.

Ang driver ng isuzu elf na nagngangalang Jerry, kasintahan ng tiyahin ng biktima, ay nasa kustodiya na ng Echague Police station.

About hataw tabloid

Check Also

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *