Saturday , January 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Si Ate Vi ang tatalo kay Chiz

Si Ate Vi ang tatalo kay Chiz

SINO ang nagsasabi na walang tatalo kay Sen. Chiz Escudero sa sandaling tumakbo bilang pangalawang pangulo ni Sen. Grace Poe? Hindi ito totoo.  Hindi nangangahulugan na ang boto ni Grace ay boto rin ni Chiz.

At lalong delikado si Chiz kung ang star for all seasons na si Batangas Governor Vilma Santos ang kanyang maka-kabangga sa darating na 2016 elections.

Tiyak na may paglalagyan si Chiz at malamang na talunin siya ni Ate Vi kung silang dalawa ang maghaharap sa pagkapangalawang pangulo.

Bukod sa solid vote na siguradong makukuha ni Ate Vi mula sa kanyang mga tagahanga at mga kasamahan sa showbiz, malakas din ang suporta niya di lang sa Batangas, kundi sa Metro Manila,  maging  sa Visayas at  Mindanao.

Ang tambalang Vilma at Bobot; ang mga pelikulang Trudis Liit, Darna, Sister Stella L at maging Burlesk Queen ay nasa kamalayan pa rin ng publiko at ito ay magiging adbentaha ni Ate Vi kay Chiz.

Hindi lang sa showbiz kuminang si Ate Vi; nagpamalas din siya ng galing sa politika.

Hindi nabahiran ng korupsiyon ang hanggang ngayon ay malinis na imahe bilang public servant – na taliwas sa imaheng mayroon si Chiz.

Walang maipagmamalaking achievement si Chiz maliban sa nakakapit siya sa laylayan ng palda ni Grace. Umaasa siya na sa sandaling matuloy ang tambalang Grace-Chiz ay madadala siya ng popularidad nito.

Pero sa sandaling magdeklara ng kandidatura si Ate Vi, tapos na ang maliligayang araw ni Chiz.

Ang kanyang pangarap na maging bise president ay maglalahong parang bula at umaasa ang marami na matitigil na ang kayabangan ng tumutulang politiko.

About hataw tabloid

4 comments

  1. korek malaking tsek

  2. mabaho image ni chiz. remembr, iniwan nya asawa anak nya at pinagpalit kay heart! kawawang mga bata! lasenngo din daw yan ayon magulang heart.

  3. Ronualdo Gabaldon

    100% sure win for Vilma!

  4. Mar-Vi is the best tandem. Parehas na Tuwid at mahaba na ang karanasan sa gobyerno. Di sila oportunista at matakaw sa kapangyarihan gaya nila DisGrace at Chiz na kaibigan ng mga magnanakaw na si Binay at Erap. Mahirap magtiwala sa American Citizen ang buong pamilya, Oportunista at walang utang na loob. Kung di dahil kay PNOY malamang hanggang ngayon American citizen pa si DisGrace at wala sa gobyerno. Tapos sa 2016 lalabanan nya si PNOY kahit kulang sya sa experience!
    Robredo is a 2nd option kase di sya kilala ng Masa lalo ng mga BOBOtantes! Mas okay sa kanya ang Senador sa LP!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top