Thursday , April 25 2024

Valeen Montenegro, pinalakpakan din sa FHM 100 Sexiest

 

BUKOD kay Jennylyn Mercado, naging usap-usapan din ang sexy production number ni Valeen Montenegro sa katatapos na victory party ng100 Sexiest Women ng FHM sa World Trade Center sa Pasay noong July 11.

Nagpakitang-gilas sa pag-twerk si Valeen kasama si Bangs Garcia at kahit ito ang unang beses para sa artista ng TV5 na sumali sa event ng FHM ay naging masaya siya sa kinalabasan ng production number.

Sumali rin si Valeen sa Bro Con ng FHM na pumirma siya ng ilang mga kopya ng magasin.

Sa aming panayam kay Valeen habang siya’y naging guest sa laro ng basketball sa Araneta Coliseum ay binanggit niya na rati siyang inalok na mag-pose para sa FHM.

“This was not the first time that FHM asked me to pose for them. Noong una, ayaw ko pero when I finally said yes, they were happy. I’m proud of my cover,” say ni Valeen. ”Sobrang gandang timing ito for my new show kahit na we have already started taping matagal na.”

Sa ngayon ay kuntento si Valeen sa itinatakbo ng kanyang career sa TV5 dahil mayroon siyang dalawang shows sa network na Tropa Mo Ko Unli Spoof at ang bagong sitcom na No Harm No Foul tuwing Linggo, 8:00 p.m.

Sa No Harm No Foul ay papel ni Valeen ang isang zumba instructor na siDeedee at ayon sa kanya, bagay ito sa kanyang sexy image.

Kasama rin sa cast ng bagong show ang mga basketbolistang sina Gary David, Beau Belga, Willie Miller at Kiefer Ravena.

“These players are used to being on TV kaya hindi nila kailangan ng guide,” dagdag ni Valeen. ”The difference is that sa taping, may disiplina pa rin sila like what they are sa basketball. Sobrang saya nilang kasama and family-oriented ang show. Basketball has been a part of Filipinos for a very long time kaya we’re happy to work with these basketball players.”

Dahil walang teleserye sa primetime sa TV5 ay kuntento muna si Valeen sa mga role na nagpapatawa at nagpapa-sexy tulad ng ginagawa nina Rufa Mae Quinto at ang mga sexy stars ng Bubble Gang tulad nina Sam Pinto at Andrea Torres.

“I’ll stick to being a comedienne but if there are other offers like indie movies, I’ll think about it and I’ll see where I can go,” pangwakas ni Valeen.

SHOWBIZ TIDBITS – Jame Ty III

About James Ty III

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *