Wednesday , April 24 2024

Matteo, ‘di sinungaling at ‘di marunong mag-deny

 

HINDI totoo ang tsismis, dahil marami ang nakakita kina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo na nag-dinner date at tapos ay nanood pa raw ng sine. May mga netizen pang nakakuha ng picture ng mag-sweetheart sa kanilang date.

Siguro nga iyan ang magpapatibay sa sinabi ni Matteo na hindi totoo ang kumalat na tsismis na hindi sila nagkakasundo ni Sarah lately. Sinabi niyang busy lang sila pareho kaya hindi sila nagkikita pero wala naman silang nagiging problema sa kanilang relasyon.

Hindi naman sinungaling si Matteo kagaya ng iba na bukong-buko na nagde-deny pang may iba siyang ka-date.

Anyway, mabuti naman at nalaman nating maayos pa rin ang kanilang relasyon. Sa tingin kasi natin masaya naman pareho sina Sarah at Matteo sa relasyon nila. Bakit naman kasi iyong iba, basta nakitang happy ang mga tao sa buhay nila, hindi mapakali. Gusto pag-awayin iyong mga taong nagkakasundo naman.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *