Friday , April 19 2024

Ang plastic bag ni Delarmente sa QC

ANG ipinatutupad na ordinansa sa Quezon City ay dagdag pahirap sa mga mamimili dahil sa pagbabayad ng halagang P2 sa bawat plastic bag na paglalagyan ng kanilang napamili sa groceries, supermarkets, department stores at shopping malls.

Kung layunin ng ordinansa na mabawasan o mawala ang paggamit ng plastic bag sa lungsod dapat ay lubusang ipagbawal na lang ang paggamit nito sa mga pamilihan  at hindi na sapilitang pinagbabayad ang mga consumers o mamimili.

Marami ang nagsasabing pinagkakape-rahan lang ang ordinansang ito at hindi naman talaga layuning  mawala o mabawasan ang plastic bag na umano’y nakasisira ng kalikasan. Patunay rito ang mga nagkalat na plastic bag sa mga lansangan ng Quezon City matapos ang halos apat na araw na walang tigil na pag-ulan kamakailan sa Metro Manila.

Ang main author ng ordinansang ito ay si dating Councilor Beth Delarmente na pinalusot naman ni QC Mayor Herbert Bautista.  Sa ordinansang ito, isinasaad na ang malilikom na salapi ay mapupunta sa tinatawag  na “green fund” para isulong ang mga proyektong pangkalikasan.

Napakalaking halaga ng perang nakukuha sa plastic bag na binabayaran ng consumers ng QC. Kung totoo mang napupunta ang nasabing milyon-milyong pondo sa iba’t ibang environmental projects ng pamahalaang lungsod, malinaw naman na dagdag pahirap ito sa mga mamimili.

Dapat kumilos dito ang COA at magsagawa ng imbestigasyon kung saan talaga napupunta ang “green fund.”

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *