Thursday , April 25 2024

55 container vans ng basura mula Canada itinapon sa landfill — BoC

ITINUTURING nang “case closed” ang pagtapon ng 55 container na naglalaman ng basura mula sa Canada.

Sinabi ni Customs Commissioner Alberto Lina, ang 55 containers na naglalaman ng mga gamit na diapers at mga basura mula sa bahay ay dinala na sa sanitary landfill sa Capas, Tarlac.

Dagdag niya, ang mga basura ay kanila nang itinapon at ginastusan mismo ng ating gobyerno.

Una nang nasabat sa Manila ports noong Disyembre 2013 ang mga container mula sa Canadian shipment na naunang idineklarang scrap plastic materials para sa recycling ngunit sa inspeksiyonin natuklasan na puro mga basura ang laman.

Mula sa Ontario-based Chronic Inc., ang shipment at ang consignee nito sa Valenzuela na Chronic plastics ay kinasuhan na rin ng BoC.

About hataw tabloid

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *