Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Asawa, anak 1 pa ini-hostage ng Chinese national (Hinataw ng dos por dos, binuhusan ng asido at tinutukan ng baril)

Asawa, anak 1 pa ini-hostage ng Chinese national (Hinataw ng dos por dos, binuhusan ng asido at tinutukan ng baril)

 

ARESTADO ang isang 39-anyos Chinese national makaraan hambalusin ng dos por dos, binuhusan ng muriatic acid, at tinutukan ng baril ang kanyang misis, kanilang anak at kaibigan nito, saka nagtangkang magpatiwakal sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Chang Hsu, ng Room 507 S Tower Condominium sa Abad Santos St., Tondo, Maynila.

READ MORE:  2 BFF ni PNoy kinasuhan ng plunder

Ayon sa ulat, nagtalo ang suspek at misis niyang si Nancy Hsu, 38, ng Room 506 sa nasabi ring condominium, dakong 7:30 p.m.

Nagkainitan ang dalawa sa nasabing pagtatalo hanggang hatawin ng dos por dos ng suspek ang ginang. Hindi pa nakontento at binuhusan ng muriatic acid pati ang kanilang anak na si Caamplied Rance Nicole Hsu, 18, at kaibigan na si Wimata Althea Han Uy. Pagkaraan ay tinutukan ng baril ang tatlo.

READ MORE:  Termino ng barangay officials ipapantay sa pangulo

Ngunit nagulat sila nang biglang itutok ng suspek ang baril sa kanyang sarili.

Bago nakalabit ng suspek ang gatilyo ng baril ay dumating ang nagrespondeng mga pulis mula sa Moriones-Tondo Police Station, na natawagan na pala ni Nancy nang makatiyempo.

READ MORE:  SC senior justices ikonsidera ni Duterte

Nakompiska mula sa suspek ang caliber .45 pistol, ang isang bote ng asido at ang dos por dos.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa himpilan ng pulisya, at nahaharap sa kasong serious illegal detention at paglabag sa Violence Against Women and their Children.

ni RHEA FE G. PASUMBAL

COMMENTS

About Rhea Fe G. Pasumbal

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved