Saturday , April 20 2024

Nadine, ‘di na dapat umasang liligawan ni James

033015 Jadine

PALAGAY namin, hindi na rin dapat umasa iyang siNadine Lustre roon sa love team nila ni James Reid. Iyong fans nila na nag-iilusyon pa rin na totohanan ang kanilang love affair, kailangang tanggapin na ang katotohanan na hindi totoo iyon. Kahit na sinasabihan pa ng kanyang mga manager at ng network si Reid, na iwasan muna ang ibang mga babae dahil sa kanilang love team wala nang mangyayari.

Ilang babae na nga ba ang na-link kay Reid. Bukod doon sa babaeng nag-post pa ang nanay sa Instagram sa sinasabi ni James na hindi niya iiwanan ang babae na “girlfriend” niya. Ngayon naman nali-link siya kay Julia Barretto, at ang tsismis, hindi lang iyong nakita sila sa isang coffee shop, may iba pang mga lugar sila nakikita ng ibang mga tao. Ibig sabihin “there is something”.

Kahit naman kailan eh, hindi nagpakita ng interest iyang si Reid kay Lustre, maliban na lamang sa kanilang mga pelikula. Siyempre iyon ang nasa script. Pero maliban doon ay wala na. Ni minsan, maliban sa ilusyon na lang ng kanilang fans, hindi naman nabalitang nanligaw si Reid kay Nadine eh.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *