“PARANG wala naman po ako sa lugar para magalit,” ito ang nasabi ni Nadine Lustre nang matanong ukol sa kumakalat na larawan nina James Reid at Julia Barretto.
“Kung mayroon naman po talaga, sasabihin niya talaga sa akin,” sambit pa ni Nadine sa presscon ng Chain Mail na mapapanood na sa July 22 handog ng Viva Films.
Sinabi pa ni Nadine na bagamat wala silang relasyon ni James, mas nais niyang manggaling mismo kay James kung totoo nga o hindi ang nababalita. Open naman daw kasi sila sa isa’t isa kaya hihintayin n’ya munang mag-open-up ang actor bago siya maniwala sa mga balitang lumalabas.
Tanging sa social media lamang daw kasi niya naririnig ang tungkol kina James at Julia. ”Naghihintay lang ako sa kanya na siya ang magsabi.”
Nilinaw pa ni Nadine na sa pamba-bash kay James siya nagagalit dahil ”Siyempre naba-bother rin po ako sa Netizens. Ayoko naman na naba-bash siya. Ayoko naman na inaaway siya.”
Ang Chain Mail ay tinatampukan din nina Meg Imperialat Shy Carlos na idinirehe ng multi-awarded director, Adolfo B. Alix Jr.. Ito’y isang suspense-thriller na umiikot sa misteryo ng pagkamatay ng ilang tao na hinihinalang pinadalhan at nakatanggap ng isang chain mail. Ang ilan sa kanila ay binalewala ito habang ang iba naman ay ipinasa sa ibang tao sa takot na balewalain ito.
Kasama rin sa cast sina Mark Bautista, AJ Muhlach, Jackie Lou Blanco, John Regala, at iba pa.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio