Lina kakambal ng kontrobersya
hataw tabloid
July 7, 2015
Opinion
TILA kakambal ng kontrobersiya ang Komisyo-ner ng kustoms na si Mr. Bert Lina. Pinakahuli sa kanya ang demandang inihain ng Omni Marketing na siya sanang nanalo sa public bidding ng P650-M na computer project ng Customs ngunit sa ‘di malamang dahilan ay ipinatigil ni Lina.
Ang bubunuin niya: kasong pandarambong na kung sakaling malasin si Lina, “No Bail” ito tulad kina Senador Enrile, Estrada at Revilla, pawang haligi ng opposition,
Sinabi ni Lina na makakukuha siya nang aabot sa kalahati lang ng P650-M presyo ng project na matagal nang inaasam-asam ng Bureau upang mabawasan ang graft and corruption.
Pagsulpot na pagsulpot palang ni Lina, may-ari ng 18 various firms, including brokerage at warehouses na located sa NAIA-Customs (Sabi niya kanyang bibitawan lahat ito. Nagawa na kaya niya?)
Gaya na lang ng fake credit certificates ng GMA-7 na may kinalaman sa isang shipment ng TV station last year. Lumalabas na peke, repeat peke, iyong ginamit na tax credit buhat sa National Telecommunication (NTC).
Sinisisi ni Lina ang broker ng isa sa kanyang kompanya at ito raw ay kanyang sisibakin. Da-pat malaman natin kung bakit peke iyong tax credit bago pa man sibakin ang isang hamak na emple-yado ni Lina.
Nariyan pa rin umano ang P5-bil-yon na plane parts ng Air Asia na nakalagak pansamantala sa isang warehouse ni Lina sa NAIA-Customs. Ang nasabi umanong kargamento nailipat na hindi pa kuno bayad ang kaukulang taxes and customs duty .
Tila isa sa naging razon ng kampo ni Lina, umano, tax free ang kargamento ng nasabing airline. Nasaan ang imbestigasyon?
Dapat maresolba ni Lina ang mga anomaya na ito. Kapag natahimik ang investigation, iisipin ni Huwan Pasang Krus malakas kasi si Lina sa kay Pnoy.
Kung ating mamasdan, halos wala pang impact ang pagpasok ni Lina sa Bureau. Nariyan ang accusation na lubhang garapal ang smuggling, lalo na raw sa mga outport tulad ng luxury vehicles, rice (kahit nga pekeng bigas nakalusot), asukal, palm oil. Tila baga dito lang sa Manila Ports tinututukan ang anti-smuggling campaign, pero garapal pa rin umano.
Hayun, pinayagan ni Lina na itatag ang anti-smuggling unit na Task Force Pantalan na katatayo palang pulos banat na ang inaani sa mga kritiko at taga- media. Ang allegation, dati rin tara (grease money) na kinokotong sa mga importer at broker.
Kailangang magpakita na ng milagro si Lina. Wala nang one year ang Aquino administration. Mag-eeleksiyon pa sa 2016 na mangangailangan ng malaking pondo ang administration party (Li-beral) para sa mga kandidato nila. Kuno, ang Customs, kasama sa mga listahan na gagawa ng fund drive.