SA tatlong taong karera niya sa brodkasting, isa ang multi-awarded journalist na si Korina Sanchez-Roxas sa masasabing pinaka-nagtagumpay at maimpluwensiyang personalidad. Kabilang sa kanyang body of work ang investigative journalism, public service, hard news, lifestyle, at entertainment, gayundin ang mga estudyante sa bumubuo ng malaki niyang fan base.
Sa pag-akyat ng kanyang rango, nagsimula ang karera ni Korina bilang isang editorial assistant sa television newsroom at nagtrabaho ng todo hanggang maging kauna-unahang solo female anchor ng TV Patrol sa ABS-CBN. Ngayon, siya ang Chief Correspondent ng ABS-CBN Philippine and Global Operations. Ang kanyang work ethic, career path, professional experience, pati na rin ang istorya ng kanyang personal na buhay ay tiyak na kapupulutan ng aral ng sino mang makaaalam nito.
Naka-leave sa trabaho ngayon si Korina dahil sa kanyang post-graduate studies. Ngayon na mayroon siyang ekstrang oras at panahon, minabuti niyang tanggapin ang mga imbitasyon upang magbigay ng career talks sa iba’t ibang paaralan sa Pilipinas. Tuwang-tuwa ang mga estudyante at mga guro sa sharp wit ni Koring at sa kanyang inspiring story of success.
Isa sa kinagigiliwan ng mga estudyante at guro ay ang kanyang Five Secrets To Success, na naibahagi na niya sa higit 40 paaralan at unibersidad sa buong bansa. “Naniniwala ako na dapat nating ibahagi sa kabataan ang ating mga nalalaman sa buhay. If only someone had before told me then what I know now, I could have faced the world after graduation with more confidence and clarity. Students all have the same fears, insecurities, and uncertainties as they choose a course and career. Ang sikreto ay dapat sundin nila ang sigaw ng kanilang puso,”ani Korina.
Ang Five Secrets To Success, ani Korina, ay sarili niyang likha: “Hindi ko ito nakita sa Google ha. I looked back into my life and figured what worked and what continues to work ‘till today. Nakita ko rin ang formula na ito sa life story ng maraming tao na nakilala kong umangat sa buhay. Sa rami ng mga nai-interview ko na success stories for my show ‘Rated K’, the formula applies to everyone it seems. Even to me.”
Ano nga ba ang mga sikreto ni Korina?
“Love and serve your parents—There’s just inexplicable blessing that stays with you when you honor your parents. Ang mga anak dapat tinutulungan ang magulang kapag kumikita na sila. Otherwise, luck will prove elusive to you,” as Korina puts it.
“Believe in yourself—If you don’t, no one else will.
“Dream and plan your dream—Every good thing, big or small, begins with an idea and a dream. Pero kailangan pinaplano ang pangarap.
“Nothing compares to sheer, hard work—Angat ang masipag kaysa matalino. Diskarte. ABS-CBN Founder Geny Lopez himself agrees. Don’t just think. Do.
“Pray and believe—It isn’t enough you pray. Half the power comes from within. Believe it will happen.”
Pagkatapos ng bawat talk, game na game si Korina sa isang no-holds-barred question and answer session kasama ang mga estudyante. Patok na patok ito at tiyak lagi itong masaya dahil sasagutin niya ng walang takot ang mga katanungan ukol sa kanyang mga pinagdaanan sa buhay, beauty secrets, showbiz tsismis, at siyempre ang kanyang love life sa piling ng mister na si DILG Sec. Mar Roxas.
“It always makes me blush, ewan ko ba, I’m not used to talking about my private life pero nakatatawa ang mga estudyante, kinikilig sila sa mga anecdote ko, haha. Ganoon pala ang feeling nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo!”
Ngayong pagbubukas ng klase, marami nang natanggap na imbitasyon si Korinamula sa iba’t ibang paaralan. ”I’d love to meet the students. Handa na ako. Kayo, handa na ba kayo?”