Thursday , April 25 2024

Kapabayaan o kasuwapangan sa pera?

00 firing line robert roqueKAPABAYAAN ba o kasuwapangan sa pera ang dahilan kaya tumaob ang ferry na M/B Kim Nirvana sa karagatan ng Ormoc City noong Huwebes?

Kung pagbabatayan umano ang naulat na 59 ang nasawi, at 140 ang nailigtas ayon sa Philippine Coast Guard sa Eastern Visayas, lumalabas na 199 ang sakay nito.

Ang Kim Nirvana ay may kapasidad na magsakay ng 194 katao, kabilang ang 178 pasahero at 16 na crew.

Ayon kay Councilor Godiardo Ebcas ng Ormoc, nakita ng ilang nakaligtas ang 150 sako ng semento sa cargo area ng barko bago ito lumubog.

Tinukoy niya na bawat sako ng bigas, semento o fertilizer ay 50 kilo ang bigat kaya ang 150 sako ay katumbas ng 7,500 karagdagang kilo sa barko, puwera pa sa pasahero nito.

Ganu’n pa man, ayaw magbigay ng Coast Guard ng dahilan sa pagtaob ng barko habang umaandar ang imbestigasyon.

Kinasuhan at ikinulong ang may-ari ng barko na si Joge Bong Zarco at ang kapitan nito na si Warren Oliviero. May kaso rin ang 17 miyembro ng crew.

Ayon sa hepe ng regional police na si Chief Superintendent Asher Dolina, sa paunang im-bestigasyon at panayam sa mga nakaligtas ay lumabas na kapabayaan ng kapitan ang dahilan ng trahedya.

Bukod sa kapabayaan, ano ang puwedeng maging dahilan para patuloy na magpasakay ng pasahero at magkarga ng mga kargamento ang isang barko kahit labis sa kapasidad nito? Ang kikitaing pera kaya?

Parusahan ang mapatutunayang nagkasala upang madala at matuto ang iba na maging res-ponsable sa tuwing maglalayag.

Hindi matatapatan ng pera ang mga buhay na nawala nang dahil sa katangahan o kasuwapangan ng mga opisyal ng barko. 

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *