Saturday , April 20 2024

Kahit naka-hospital arrest, GMA yumaman pa rin!

 

070715 GMA arroyo

SA kabila ng pagharap sa kasong pandarambong (plunder) at pagsasailalim sa kanya sa hospital arrest, yumaman pa umano si dating Pangulo at Pampanga representative Gloria Macapagal-Arroyo makaraang mapag-alaman mula sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) na nadagdagan pa ang kanyang yaman ng halos P10 milyon.

Base sa SALN ni Arroyo, ang kinatawan ng lalawigan ng Pampanga ay nagkakahalaga ng P146.5 milyon noong 2014, na halos mas mataas ng P10 milyon sa dati niyang yaman noong 2013 na umabot lamang sa P136.5 milyon.

Noong 2014, mayroon P78.8 milyon sa real pro-perties at P217.7 milyon sa personal assets para sa ka-buuang P296.5 milyon si Arroyo. Kung ihahambing noong 2013 na mayroon si-yang P75.4 milyon sa real properties at P211.4 milyon sa personal assets para sa kabuuang P286.8 milyon.

Nanatili ang kanyang liabilities para sa dalawang taong magkasunod sa hindi nagbagong P150 milyon.

Sa kabilang dako, habang lumalaki ang yaman ni Arroyo, bumaba naman ang kanyang anak na si Camarines Sur congressman Dato Arroyo ng P1.1 mil-yon. Bumagsak ang halaga ng kongresista mula sa P86.5 milyon noong 2013 sa P85.4 milyon nang sumu-nod na taon.

Napalista si Ginang Arroyo bilang pang-18 sa pinakamayamang miyembro ng Kamara de Representantes, habang ang batang Arroyo naman ay nakapuwesto sa ika-38.

Nanguna sa listahan at nag-iisang bilyonaryo ang Pambansang Kamao at Sarangani Rep. Manny Pacquiao, na may net worth na P1.7 bilyon.

Sinundan si Pacquiao ni Speaker Feliciano Belmonte Jr. (P921.6 milyon), kasunod si Ginang Imelda Romualdez-Marcos ng Ilocos Norte (P917.8 milyon), Alfredo Benitez ng Negros Occidental (P845.9 milyon), Julio Ledesma IV (P822.3 milyon), Emmeline Aglipay Villar ng Diwa at Mark Villar ng Las Piñas (P689 milyon), Ferdinand Martin Romualdez ng Leyte (P474.8 mil-yon), Joel Roy Duavit ng Rizal (P318 milyon) at ang yumaong Henry Cojuangco ng Tarlac (P220.6 milyon).

Kabilang sa Top 20 ay sina Alex Advincula ng Cavite (P203.6 milyon), Zajid Mangudadatu ng Maguindanao (P198.9 milyon), Lani Mercado-Revilla ng Cavite (P181.9 milyon), Aleta Suarez ng Quezon (P181.8 milyon), Lucy Torres-Gomez ng Leyte (P176.5 milyon), Rodolfo Fariñas ng Ilocos Norte (P162.9 milyon), Rosema-rie Arenas ng Pangasinan (P161.1 milyon), Oscar Garin Jr. ng Iloilo (P144.1 milyon) at Ronaldo Zamora ng San Juan (P140.5 milyon).

ni Tracy Cabrera

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

SM scholar 1

Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams

Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM …

Krystall Herbal Oil

Kusinero, tubig at krystall herbal oil panlaban sa heat stroke

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint tactical inspection

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint  tactical inspection

PATULOY na itinataguyod ng SM Malls sa mga bayan ng Baliwag, Marilao, at Pulilan sa …

Krystall herbal products

PT bilib sa panggagamot ng lolang hilot katuwang ang Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *