Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunday musical variety show ng GMA7, sisibakin na!

HATAWAN – Ed de Leon. / 

ANG tsismis, sisibakin na raw ng Channel 7 iyong kanilang Sunday musical variety show. Hindi ba matagal na namang dapat? Inalis na nga nila iyan sa noontime at inilagay na sa hapon eh, katunayan, hindi na nila kaya ang kompetisyon sa noon time slot. Ngayon iyong noon time slot, napasukan pa ng isang bagong show, iyong Happy Truck ng Bayan, na sa totoo lang pinanonood namin kasi masaya.

Actually wala nang tumagal diyan sa noon time slot ng Channel 7 simula pa noong itigil nila at palitan ang GMA Supershow ni Kuya Germs. Iyon lang naman ang nag-rate sa kanila ng Sunday noontime at tumalo sa mga kasabayan nilang shows, kabilang na iyong naging top rater din noon na Spin-a-Win.

Simula noon nakailang palit at reformat na ba sa kanilang Sunday noon time show iyang Channel 7, hanggang sa umurong na nga sila sa afternoon slot, wala pa rin. Ano pa nga ba ang dapat gawin diyan?

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …