Friday , April 19 2024

Pagsikat ni Thor Dulay, nahaharang?!

 

063015 thor concert

00 fact sheet reggeeNARINIG naming nagkukuwentuhan ang ilang katoto tungkol sa singer na si Thor Dulay, ang tinaguriang Master of Soul na matagal na raw siya sa music industry pero hindi sumisikat-sikat na at tagakanta raw siya ng mga theme song ng pelikula.

Maganda at powerful ang boses ni Thor kaya nagtataka ang mga kasamahan sa hanapbuhay kung bakit hindi pa rin siya napapansin.

Kami naman ay nakilala namin siya sa blind audition ng The Voice season one pero ilang linggo lang ay natanggal na.

Kaya sa one-one-one interview kay Thor kasama ang ilang katoto ay inamin niyang matagal na nga siya sa industriya at dati siyang miyembro ng banda.

“At nagsolo na nga ako ng mga 2003 or 2004, nagka-album na ako, tapos nag-second album na, nag-record na ako sa ibang bansa, sa Spain pero (wala pa rin), so, there was a time na na-frustrate ako kasi, ano ba, paano ba maka-penetrate? So ang ginawa ko, since hindi naging successful ang album ko, nag-give up na ako, nag-iba na ako ng linya.

“Naging back-up singer ulit ako, ‘yun naging vocal coach ako dahil kay Luke Mejares (dating Southboarder) kasi kaibigan ko siya at sinubukan niyang mag-vocal coach ako sa kanya.

“Sobrang supportive ‘yun, everytime na pumupunta ako sa gigs niya, sinasabi niya ako ang vocal coach niya at magaling daw ako, so lahat naging curious at natuwa siya (Luke) sa album niya.

“Tapos ‘yung ibang artist nagtatanong na rin sa akin at kung puwede ko raw silang i-coach, so roon na nag-start, kaya hanggang ngayon, nagbo-vocal coach na ako,” mahabang kuwento ni Thor.

May regular ng trabaho si Thor pero hindi pa rin nawawala sa isip niya ang pagkanta, “love ko kasi ang music, kahit na ano basta music, kahit maging back-up ako, kahit mag-gig ulit ako sa mga bar basta nasa music ako, masaya ako.”

At ang ilang singers na kino-coach ni Thor ay sina, “Si Vice (Ganda), kino-coach ko pa rin, si Inigo Pascual, si Young JV, si Sarah (Geronimo), na-coach ko na rin doon sa ‘Ikot-Ikot’ album, siguro mga five (5) songs, si Christian Bautista rin dati.

“At saka nag-vocal coach din ako kay Team Apl noong nakaraang season na ito, may politiko pa na hindi ko na matandaan ang pangalan.”

NAI-INTIMIDATE SA MGA SIKAT NA SINGER NA TINUTURUAN

Sikat na ang ilang singers na nai-coach ni Thor, hindi ba siya naiilang o nai-intimidate?

“Rati na-intimidate ako, eventually na-overcome ko naman,” katwiran ni Thor.

May pagka R & B raw ‘yung album ni Sarah Geronimo na Ikot-Ikot kaya kinoach niya ang singer/actress, “doon nila ako kilala na magkaroon ng soul album,” say pa.

At dahil pawang legitimate singers ang tinuturuan ni Thor ay natanong namin kung may mga ilang singer o gustong maging singer na wala sa tono ang nagpaturo na rin sa kanya.

Napaisip sandali si Thor, “mayroon din naman, pero ayoko na lang sabihin kung sino-sino sila, pero para sa akin, mas madali (turuan) kapag nasa tono, mas madaling i-coach. Siguro kung hindi naman talaga tone-deaf, kaya ko naman I-coach,” sabi ng Master of Soul singer.

Natanong si Thor kung sino-sino ang mga baguhang singer na humingi ng tulong niya, “hindi ko puwedeng sabihin, eh, baka (bawal).”

“But Inigo Pascual is very promising, mahusay talaga siya hindi dahil anak siya ni Piolo (Pascual), magaling talaga siya kumanta, matalas ang tenga niya.

“Si Piolo na-coach ko sa ‘ASAP naman’, pero hindi one-on-one, si Inigo kasi one-on-one talaga.”

BIMBY, KASAMA SA IKINO-COACH

At huwag ng magtaka kung isa sa mga araw na ito ay mapapanood na si Bimby Aquino Yap na kumakanta dahil kino-coach na rin pala siya ni Thor.

“Si Bimby kasi nasa tono ‘yung bata, plus ang dali niyang kausap, masunurin sobra, ‘pag sinabi kong, ‘Bimby do this one’ sasabihin niya agad, ‘okay’,” kuwento ni Thor.

Nag-record na raw ng boses ang bunsong anak ni Kris Aquino, “nag-try na kaming mag-record ng ‘Blank Space’ (kanta) maganda ‘yung boses ng bata, mga Taylor Swifts (song) at may mga pambata ring songs, nakalimutan ko lang ‘yung iba.”

At hindi raw brat si Bimby, “hindi, sobrang bait talaga, masunurin at very sweet puwedeng iuwi, eh, ang bait na bata talaga.”

MASTER OF SOUL ALBUM AT SOULFUL CONCERT 2015

Samantala, may bagong album si Thor na may titulong Master of Soul na labis niyang ipinagpapasalamat dahil nakatrabaho niya ang mga magagaling na songwriter tulad nina Jungee Marcelo, Jonathan Manalo, Kiko Salazar, Soc Villanueva, at Rhaizo Chabeldin produced ng Cornerstone Music distributed by Star Music.

At sa darating na Hulyo 17, Biyernes, mapapanood si Thor sa Soulful Concert 2015 sa Music Museum with special guests Liezel Garcia at KZ Tandingan produced naman ng Aqueous Events Stages sponsored by Centerstage Family KTV, Bioessence Greenhills, Tokyo-Tokyo Greenhills, Crystal Clear, Sariwon Promenade Greenhills ZH&K Mobile, Edible Heavens by JANNEL, Imma Scent.

Habang binabanggit ni Thor ang nalalapit niyang concert ay naiiyak siya dahil naaalala raw niya ang nanay niya na sumakabilang buhay na.

“Kasi gusto ko sanang nakita niya (nanay) ito, kasi siya ‘yung makulit sa akin dati at sobrang proud, halos every week tinatanong niya ako kung nasa TV na ako.

“So, nanghihinayang ako sa opportunity ngayon na marami na kaong TV guestings, lalo na ‘yung ‘The Voice’, siguro ang saya-saya niya lalo, sana nakita niya lahat (ito).

“Nag-collapse kasi ‘yung kidney niya, so namatay siya sa 3rd stroke niya, 2010,” kuwento ni Thor.

Oo nga, sayang nga at hindi inabutan ng mahal na ina ni Thor ang lahat ng nangyayari ngayon sa singing career ng anak.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *