Thursday , April 25 2024

Paghahalikan nina James at Julia sa public place, ‘di na itinatago

 

062615 James Reid julia barretto

00 fact sheet reggeeTOTOO kaya itong text message sa amin ng taong nakakita kina James Reid at Julia Barretto, “they’re dating na noon pa, hindi lang alam ng iba.”

Wala kaming kontak sa dalawang personalidad kaya wala kaming makuhang sagot para tanungin din ang balitang kalat sa social media na nahuli silang naghahalikan sa isang club.

Hindi na bago sa amin ang pagka-clubbing ni James dahil inaamin naman niya ito pero nangako siya na titigilan na niya dahil nga napagsabihan siya ng talent management ng Viva at para na rin sa project nila ni Nadine Lustre na On The Wings og Love.

Pero heto, naulit na naman ang nightlife hobby ni James at kasama na niya si Julia na may project din kasama naman si Inigo Pascual na And I Love You So.

Nakakaloka ang mga bagets na ito, imbes na alagaan ang kanilang mga imahe ay kung saan-saan napagkikita.

Well, sabi nga kung noon pa sila nagde-date at gusto naman nila ang isa’t isa, eh, sana maging discreet naman sila at huwag magpapakitang naghahalikan sa publiko dahil isipin din naman nila ang kanilang respective loveteams na sinusuportahan ng fans.

Lalo na si Julia na hanggang ngayon ay hirap pa ring makakuha ng permanent love team. Nakailan na ba siya bago napunta kay Inigo?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *