Thursday , April 25 2024

Sino ang kumuha ng BBL payola sa Mainland China!?

BBL mison wang boAYON sa isang nakahuntahan nating mga ‘matanda’ na riyan sa Bureau of Immigration (BI) — ang nangyayari daw ngayon na ‘malaking eskandalo’ sa kanilang ahensiya— na hindi maintindihan kung saan nagmula at paano sumulpot ay maituturing na tila tumubong nuno sa punso.

‘Yun daw bang tipo, na biglang may tumubong punso na hindi alam kung saan nagmula at biglang nagtututuro.

Ang sinasabi po noong beteranong Immigration employee na kaibigan ni Bisor Rico Pedrealba na nakausap natin, ‘yung pagsingaw ng black propaganda  na mayroon daw isang Chinese crime lord na ginamit para gamiting payola sa kampanya ng BBL sa lower house at LP congressmen ay malalim na usapin.

Inakusahan ni Immigration Commissioner Siegfred ‘Valerie’  Mison ang kanyang dalawang associate commissioners na sina Atty. Abdullah Mangotara at Atty. Gilbert Repizo na nakipagkutsabahan umano kay Wang Bo?!

Sina Mangotara at Repizo ay inamin ng Palasyo na mga Liberal Party (LP) stalwarts.

Sa proseso ng House hearing, itinuro ni Mison sina Repizo at Mangotara na nag-ponente at pumirma para i-hold ang deportation order laban sa Chinese crime lord kuno na kinilala sa pangalan na Wang Bo.

Tsk tsk tsk … sa pangalan pa lang kaduda-duda na.

(Huwag tayong magtaka, kung isang araw ‘e biglang pumutok na si Wang Bo, ay hindi pala crime lord kundi isang illegal vendor lang sa Divisoria o kaya ay sa Baclaran).

Yak yak yak!!!

Pinaputok pa, na may isang BI official na bumiyahe pa sa mainland China para doon kubrahin at kunin ang malaking kuwarta.

Parang pelikula, ano po!?

SOJ Leila de Lima, kung may sinasabing BI Official na bumiyahe sa China ay madali naman na malaman ‘yan ‘di ho ba?

Buksan ang mahiwagang BI computer travel records para magkaalamanan kung sino ang opisyal na huling nag-honeymoon ‘este nagbiyahe sa China?!

Kung ang sinasabing BI Offical naman ay hindi nagpa-encode ng kanyang travel ay pwede rin naman tingnan ang manifesto ng PAL flight papuntang Beijing.

Meron bang BI official na nagpunta riyan last Holy week? May travel authority ba ang opisyal na ‘yan?

At kapag na-pinpoint ang opisyal na ‘yan, agad ipadala sa NBI para i-lie detector-test!

Ano sa palagay ninyo, Commissioner Fred Mison?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *