TOKYO, Japan – Kinompirma ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na pinag-usapan nila ni Prime Minister Shinzo Abe ang pagbubuo ng Philippines-Japan Visiting Forces Agreement (VFA).
Sinabi ni Pangulong Aquino, dadaan muna ito sa mga kinauukulang ahensiya bago ipasa sa Senado at pag-usapan ang mga detalyeng nakapaloob dito.
Ayon kay Pangulong Aquino, maituturing itong welcome development at sisimulan na ang diplomatic requirements para rito.
Kapag magkaroon na ng VFA, maaari na rin dumalaw at magsagawa ng military exercises ang Japanese army sa Filipinas.
Dito na rin mabubuksan ang pintuan para makakuha ng gamit panggiyera mula sa Japan.
Kung sakaling maaprubahan sa Senado, ikatlo na ang Japan kasunod ang US at Australia na mayroon tayong VFA.
Rose Novenario