Thursday , April 18 2024

Compulsory zumba para sa airport police, para kanino ba talaga?!

APD LRSPARA ba talaga sa kalusugan at kagalingan ng mga kagawad ng Airport Police Department (APD) ang Zumba memorandum na inilabas ni APD Chief M/Gen. Jesus Descanzo?

Lumutang po ang katanungang ito, dahil maraming  kagawad ng APD ang tila ‘hindi’ abot ang ‘frequency’ ng kanilang amo.

Base sa Memo, nais ni Gen. Descanzo na tuwing  Martes (Tuesday) at Huwebes (Thursday), ay dumalo sa kanyang ‘compulsory’ Zumba ang mga kagawad ng APD.

Gagawin daw ito sa harap ng APD HQ, tuwing Martes at Huwebes ganap na 5:00 ng hapon.

Nagtataka lang ang mga kagawad ng APD kung bakit ginagawang  compulsory ang pagdalo sa Zumba.

Ang duty kasi ng mga Airport police ay 6 a.m. to 2 p.m. para sa first shift; 2:00 p.m. to 10:00 p.m. para sa second shift; at 10:00 p.m. to 6:00 a.m. naman kung may third shift.

Kung 5:00 p.m. ang Zumba class, maghihintay pa ang mga lalabas na airport police ng 2:00 p.m. nang halos tatlong oras para lang dumalo rito.

Pagod na nga sa duty nila ‘e pagsu-zumba-hin pa!?

Wala bang karapatang magpahinga ang Airport police? O kaya hindi ba puwedeng tanungin muna ang consensus nila bago sila obligahing dumalo sa isang aktibidad na sa tingin nila ay ‘irrelevant’ naman sa kanilang trabaho?! 

Paano kung sa pagod ay biglang may ma-stroke diyan?  

Ito pa ang siste, wala na nga’ng overtime pay ang mga airport police, pinagbabayad pa sila ng P40 para sa kanilang Zumba class.

Aba, mukhang walang pulis na natutuwa riyan sa compulsory Zumba ninyo, Gen. Descanzo?

Mas mabuti sigurong bawiin na ‘yang Zumba memo na ‘yan bago mag-alboroto ‘yang mga nagugutom na lespu ninyo!

   

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *