Friday , March 29 2024

5.5-M unclaimed voter’s id sa Comelec

00 Bulabugin jerry yap jsyNAGULAT naman ako sa balitang ito.

Ibig sabihin limang milyon at limandaang libong voter’s ID ang hindi pa umano kinukuha ng mga may-ari nito.

Hindi nga?!

‘E bakit ‘yung higit pa sa limang milyong botante hanggang ngayon wala pang voter’s ID, kabilang na po ang inyong lingkod.

Ilang eleksiyon na ba akong bumoboto pero walang voter’s ID?!

Ilang taon bang nanungkulan si dating Commission on Election (Comelec) Charman Sixtong ‘este Sixto Brillantes at bakit hindi natutukan ‘yang pagtitiyak na ang bawat botante ay mabibigyan ng voter’s ID?

Isa pa naman ‘yan sa kinikilalang ID sa iba’t ibang transaksiyones dito sa ating bansa.

‘Yang voter’s ID bukod sa postal ID na biglang tumaas ang presyo ‘e hinahanap ng mga kababayan nating walang regular na trabaho dahil ‘yan lang ang mga ID na pwede nilang ipresenta.

Sabi ni Comelec spokesperson James ‘boladas’ Jimenez, libre lang daw ‘yang voter’s ID pero nagtataka siya kung bakit hindi kinukuha ng mga may-ari.

What the fact!?

Marami umano sa mga unclaimed voter’s ID ay mula sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon) na may kabuuang 1,018,693, kasunod ang Metro Manila — 878,192.

Habang ang nai-release daw sa mga botante ay 13,256,588 voters’ ID.

Meron din umanong withheld na 2,730,976 voter’s ID cards dahil sa deactivation, cancellation at transfer of registration, at correction of entries.

Hindi na rin daw ipinoproseso ang mga ID sa barangay dahil, hindi ibinibigay ng mga kinauukulan sa mga botante lalo na kung hindi nila ‘kaibigan’ ang may-ari ng voter’s ID.  

Gusto nating itanong, ano ba ang pagkakaiba ng  may voter’s ID at walang voter’s ID, kung pareho namang nakaboboto tuwing eleksiyon?!

Magkano ang inilaang budget sa pag-iimprenta ng mga voter’s ID na ‘yan?! Aba ‘e sayang lang ang inilaan na budget d’yan kung hindi naman pala pagsisikapan na maipamahagi sa mga may-ari.

Unsolicited advice lang, mas mabuti pa sigurong sirain o sunugin na ‘yang unclaimed voter’s ID na ‘yan kaysa magamit pa sa hindi magandang layunin at intensiyon.

Lalo na ngayong nalalapit na naman 2016 elections.

Sirain na lang kaya ‘yan, agad-agad na!?               

Compulsory zumba para sa airport police, para kanino ba talaga?!

PARA ba talaga sa kalusugan at kagalingan ng mga kagawad ng Airport Police Department (APD) ang Zumba memorandum na inilabas ni APD Chief M/Gen. Jesus Descanzo?

Lumutang po ang katanungang ito, dahil maraming  kagawad ng APD ang tila ‘hindi’ abot ang ‘frequency’ ng kanilang amo.

Base sa Memo, nais ni Gen. Descanzo na tuwing  Martes (Tuesday) at Huwebes (Thursday), ay dumalo sa kanyang ‘compulsory’ Zumba ang mga kagawad ng APD.

Gagawin daw ito sa harap ng APD HQ, tuwing Martes at Huwebes ganap na 5:00 ng hapon.

Nagtataka lang ang mga kagawad ng APD kung bakit ginagawang  compulsory ang pagdalo sa Zumba.

Ang duty kasi ng mga Airport police ay 6 a.m. to 2 p.m. para sa first shift; 2:00 p.m. to 10:00 p.m. para sa second shift; at 10:00 p.m. to 6:00 a.m. naman kung may third shift.

Kung 5:00 p.m. ang Zumba class, maghihintay pa ang mga lalabas na airport police ng 2:00 p.m. nang halos tatlong oras para lang dumalo rito.

Pagod na nga sa duty nila ‘e pagsu-zumba-hin pa!?

Wala bang karapatang magpahinga ang Airport police? O kaya hindi ba puwedeng tanungin muna ang consensus nila bago sila obligahing dumalo sa isang aktibidad na sa tingin nila ay ‘irrelevant’ naman sa kanilang trabaho?! 

Paano kung sa pagod ay biglang may ma-stroke diyan?  

Ito pa ang siste, wala na nga’ng overtime pay ang mga airport police, pinagbabayad pa sila ng P40 para sa kanilang Zumba class.

Aba, mukhang walang pulis na natutuwa riyan sa compulsory Zumba ninyo, Gen. Descanzo?

Mas mabuti sigurong bawiin na ‘yang Zumba memo na ‘yan bago mag-alboroto ‘yang mga nagugutom na lespu ninyo!

Reklamo sa mga tricycle sa Kalye Ipil

KA JERRY, dapat tutukan ng mga tauhan ng Manila City Hall at MPD-MASA ang mga tricycle na nakapila dto sa kanto ng IPIL St., Sta. Cruz, Maynila na mga abusado at namimili ng rutang paghahatiran at tila tabas gang na doble ang presyo. Nagmamalaki ang mga drayber dahil may permit daw silang binayaran kaya sila mataas maningil at may TARYA pa na hinahatag sa  MTRO-NORTE. Sn naman aksyunan ni mayor pang-aabuso dto sa lugar namin. +639187220—

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Dragon Lady Amor Virata

OIC chief of police, kapuri-puri

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HUMARAP kamakailan si OIC Chief of Police ng lungsod …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Quiboloy, wanted dito at sa ibang bansa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang sumusumpang inosente siya habang nagkukubli sa …

Dragon Lady Amor Virata

Negosyanteng intsik  inirereklamo ng mga empleyado

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata INIREREKLAMO ng may 11 empleyado ang JUJU Mart na …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Namamayagpag si Tulfo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA HULING survey ng WR Numero na ginawa noong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *