Tuesday , April 23 2024

Sino ang protektor ng mga berdugong kolek-tong sa Divisoria!?

divisoriaMULI na namang namayagpag ang ilang kilabot na berdugong kolektong sa Divisoria vendors.

Take note Yorme Erap para sa mahirap!

Sandamakamak na mga text/reklamo ang ating natanggap mula sa mga pobreng vendors sa dalawang tarantadong berdugong mangongotong na sina alias ZALDY at BOYONG na perhuwisyong tunay sa riles mula Asuncion hanggang Dagupan.

Ang dalawang kamote lang raw ang pwedeng kumubra ng TARA y TANGGA na inihahatag naman nila kina alyas NERISA at IMELDA sa Recto riles.

Ang berdugo-kotong tandem nina ZALDY at BOYONG ang panakot nina IMELDA at NERISA para hindi makapag-PASS ang mga vendor sa regular na tarya.

Dahil kapag walang hatag ‘e bugbog at eskoba ng paninda ang aabutin ng pobreng vendor sa da-lawang demonyo.

Sonabagan!

Hindi tayo naniniwala na walang tongpats na pulis sa mga walanghiyang ‘yan para magkalakas ng loob sila na gawin ang kahayupan laban sa mga vendor.

MPD PS-11 commander SUPT. ROMY MACAPAZ sir, hahayaan mo na lang ba na may namamayagpag na ‘tirador’ sa teritoryo mo?!

Para MALINIS naman ang MPD at hindi lumabas na PROTEKTOR ng mga KOLEKTONG at BARBARIKONG GRUPO sa DIVI!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *