Thursday , April 25 2024

Si Judy, si Korina at si Mar

EDITORIAL logoSA HARAP ng mga asendero at malalaking negosyante, nagsalita na si Judy Araneta-Roxas, ang pinakamamahl na nanay ni Interior Sec. Mar Roxas.  Sinabi ni Judy na tatakbo ang kanyang anak sa 2016 presidential elections.

Sinabi pa ni Judy na ang kanyang anak ay tapat at may kakayahang patakbuhin ang Pilipinas.

At sa harap naman ng mga kapos-palad na mga kabataan, sinabi ni Korina Sanchez, kabiyak ni Mar, na ang kanyang asawa ang “most qualified” sa mga kandidatong tatakbo sa darating na eleksiyon.

Sa harap ng mga sugar baron, ipinakita na tunay na nagmamahal si Judy sa kanyang anak na si Mar.  At sa harap naman ng mga tsinelas na ipinamimigay ni Korina sa mga kabataan, tunay ding nagmamahal siya kay Mar.

Ang problema na lang ngayon ni Mar ay kung papaano siya mananalo kay Vice President Jojo Binay.  Hindi mapanghahawakan ang basbas ni Pangulong Noynoy Aquino sa sandaling ideklara si-yang standard bearer ng Liberal Party.

Winnability ang problema ni Mar. Kaya kailangang overhaul ang gawin ni Mar sa kanyang kampo sa tulong na mismo nina Judy at Korina. At para maging maayos ang takbo ng kampanya ni Mar, unahin na niyang sibakin ang mga palpak na political adviser pati na rin ang kanyang media group.

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *