Friday , March 29 2024

Pitong kaalyado ni PNoy kasamang kakasuhan sa Pork Barrel Scam

pork barrel scamISASAMPA na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang third batch ng mga politikong sangkot sa P10-billion pork barrel scam.

Isang senador (Sen. Gregorio Honasan II) at pitong kaalyado ni PNoy na sina Joel Villanueva, chief ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda), Rep. Rufus Rodriguez ng Cagayan De Oro, La Union Rep. Victor Ortega, Gov. Manuel Ortega at dalawa pang mambabatas.

Kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices at malversation ang ihahain laban sa pito dahil umano sa maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel sa pamamagitan ng ghost projects at pekeng non-government organizations (NGOs) ni Janet Lim-Napoles.

Hinihintay na lang umano ang “go signal” ni Justice Secretary Leila De Lima para sa pagsasampa ng nasabing kaso.

Aba, ‘di ba matagal nang hinihintay ang pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa P10-B pork barrel scam?

Actually, marami na ang naiinip. Kaya naman marami ang nagtataka kung bakit tila nagpapatawing-tawing pa si Madam Leila sa pagsasampa ng kaso sa 3rd batch na sangkot sa pork barrel scam.

Go signal ba talaga ni Madam Leila ang hinihintay o go signal ng mga taga-Malacañang?!

Pakisagot na nga po Madam Leila?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *