Wednesday , April 24 2024

Feeling ko nanalo ako kay Mayweather — Melai (EA, Jay-R, Nyoy, at Melai, magsasalpukan sa Grand Showdown ng YFSF )

 

060315 Edgar allan melai JR nyoy
Edgar Allan Guzman, Melai Cantiveros, Jay-r at Nyoy Volante

00 SHOWBIZ ms mAMINADO si Melai Cantiveros na natakot siya nang alukin siya para sumali sa Your Face Sounds Familiar. Hindi nga naman kasi siya singer kaya nagdalawang-isip ito kung tatanggapin ba o hindi.

“Talagang natakot ako, pero rito sa show na ito nabigyan ako ng pagkakataon para maging singer,” pag-amin ni Melai sa presscon ng YFSF Grand Showdown presscon kahapon.

Sa totoo lang, hindi naman in-expect ni Melai na makakapasok siya sa Final 4, na nagtala siya ng 202 points. Kaya labis ang pasasalamat niya sa fans na nagsilbing inspirasyon sa kanila sa nakaraang 12 linggo. Hinuhulaang posibleng masungkit ni Melai ang Grand Winner dahil marami nga itong fans at subok na ito nang siya ang magwagi sa Pinoy Big Brother 2009.

“Na-shock talaga ako, hindi ako makapaniwalang nangyari. God moves in mysterious ways. Wala akong in-expect kasi I expected the worst. Pero hindi naman worst ang masali sa bottom 4, dahil masaya naman kami (sa show). Feeling ko nanalo ako kay Mayweather,” ani Melai.

Pinangalanang top scorer si Melai nang kopyahin niya si Elizabeth Ramsey. Bet ni Melai na manalo si Nyoy Volante. Samantalang bet naman ni Nyoy si Jay-R; at si Jay-R ay si Edgar Allan Guzman ang gustong magwagi at si EA ay si Jay-R naman ang gustong maging Grand Showdown winner.

Samantala. Sa Sabado at Linggo na ang huling total transformation ng Final 4 celebrity performers na kinabibilangan nga nina EA, Jay-R, Melai, at Nyoy sa kanilang Grand Showdown, live mula sa Resorts World Manila.

Ang performer na makakakuha ng pinakamataas na porsiyento ng mga boto ang tatanghaling grand winner ng programa at magwawagi ng P2-M. Ang kalahati nito’y mapupunta sa napili niyang charity.

Todo-todo na ang paghahanda ng Final 4 para sa kanya-kanyang pasabog.

Ani Melai, “Kami ang pumili ng gagayahin naming (na music icon) sa Final day. Pero surprise kung sino-sino iyon,”

Ayon kay Nyoy, “I-expect niyo na I will give more than what I gave these past 12 performances. Lalampasan ko pa ‘yun para sa inyo. I will research, practice, and give my heart and my 110% para po sa inyo.” Nakakuha ng pinakamataas na overall score si Nyoy (257 points) sa lahat ng performers. Dalawang beses itinanghal na weekly top scorers si Nyoy para sa kanyang impersonation kina Justin Bieber at Luciano Pavarotti.

Pumangalawa naman si Jay-R na mayroong 246 points, “Every week ang dami kong natututuhan, at ina-apply ko ‘yun. So the more weeks na ginagawa ko ‘yun, I feel like I’m getting better and better. This grand showdown, I think I will be at my best.” Dalawang beses ding itinanghal na weekly top scorers si Jay-R naman sa panggagaya kina Pepe Smith at Kenny Rogers.

Nakapagtala rin si EA ng 202 points tulad ni Melai. “Gusto kong magpasalamat ng sobra-sobra sa lahat ng mga nagtitiwala at humahanga sa akin, sa mga walang sawang sumuporta sa akin simula nang magsimula ang ‘Your Face.’ I promise that I will do my best to be the grand winner of ‘Your Face’ – ‘yun na lang ang maipapangako ko.”

Sa live show sa Linggo, magpe-perform pa rin kasama ang ilang special guests sina Jolina Magdangal, Karla Estrada, Maxene Magalona, at Tutti Caringal.

Simula nang umere ang Your Face Sounds Familiar noong Marso, consistent na itong nangunguna sa listahan ng pinakapinapanood na TV programs sa buong bansa at linggo-linggo ring trending sa Twitter. Katunayan, numero unong programa ito noong weekend dahil nakapagtala ito ng national TV rating na 31.9% noong Sabado (Mayo 30) at 31.1% noong Linggo (Mayo 31), ayon sa datos ng Kantar Media.

Panoorin ang Grand Showdown ng Your Face Sounds Familiar kasama ang host na si Billy Crawford at ang jurors na sina Gary Valenciano, Jed Madela, at Sharon Cuneta sa Sabado (Hunyo 6) pagkatapos ng MMK at Linggo (Hunyo 7) pagkatapos ng Rated K.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio .

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *