Friday , April 19 2024

Jake, Joseph at Ejay di nagpakabog sa Mexican hunk actors sa mapangahas na teleseryeng “Pasion de Amor”

 

ni Peter Ledesma

052715 pasion de amor

MAMAYANG gabi pa ipalalabas ang Philippine adaptation ng “Pasion de Amor” pero wala nang ginawa ang mga barakong tambay sa aming lugar sa Kyusi kundi ang kami ay kulitin kung wala raw bang harang ang Pinoy remake nito kasi avid viewers daw sila noon ng original na Columbian telenovelang “Passion de Gavalanes.”

Well kahit pa early night ang timeslot ng Pasion de Amor na magsisimula ngayong Lunes bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida, ayon kay Direk Eric Quizon ay hindi pa rin mawawala ang mga maseselang eksena na sexy at provocative ang dating sa kanyang serye na parte na ng soap.

Pero siyempre medyo maingat lang sila dahil nakabantay raw ang MTRCB sa mga ganitong klase ng palabas. Bago nga raw niya tanggapin ang project, na first teleserye niya sa Kapamilya network ay nagtanong nga raw siya sa creative team ng show kung pwede ba ito sa TV. Itinuturing pala ng nasabing actor director na malaking challenge para sa kanya na i-direk ang Passion de Amor na sobrang ganda raw talaga ng istorya.

Samantala siguradong mag-aalab ang bawat gabi sa mapangahas na pagbibigay-buhay sa worldwide telenovela sensation na “Pasion de Amor” sa ABS-CBN. Pangungunahan ang cast ng ilan sa hottest stars sa telebisyon ngayon na sina Jake Cuenca, Ejay Falcon, Joseph Marco, Ellen Adarna, Coleen Garcia, at bagong Kapamilya na si Arci Munoz.

Tunghayan ang kuwento ng pag-ibig at pag-hihiganti sa pagitan ng pamilya Samonte at Elizondo. Bagamat maagang naulila, lumaking puno ng pagmamahal at malapit sa isa’t isa ang magkakapatid na Samonte na sina Juan (Jake), Oscar (Ejay), Franco (Joseph) at Olivia (Ingrid Dela Paz). Isang pagkakamali ang babago sa kanilang kapalaran matapos mahulog ang loob ni Olivia sa pamilyado at mayamang si Bernardo Elizondo (Ronaldo Valdez). Dahil sa maling pag-ibig, buhay nina Olivia at Bernardo ang hihinging kapalit ng tunay na asawang si Gabriela (Terese Loyzaga) sa pagtataksil na ginawa sa kanya. Mapupuno ng galit ang magkakapatid na Samonte dahil sa sinapit ng kanilang bunso at unica hija sa pamilya. Para makapaghiganti, mamasukan sa hacienda ng mga Elizondo sina Juan, Oscar, at Franco at paiibigin ang mga anak nina Bernardo at Gabriela na sina Norma (Arci), Sari (Ellen) at Jamie (Coleen).

Paano paiikutin ng mga Samonte ang walang malay na mga Elizondo? Hanggang saan sila da-dalhin ng poot at galit? Sa laban na pag-ibig ang kanilang ganti, pag-ibig rin kaya ang maging lunas sa sugat ng nakaraan? Unang minahal ng sambayanan ang “Pasion De Amor” tampok ang Mexican superstar na si Mario Cimarro noong 2007. Ito na ang ikaapat na telenovela na ni-remake ng Kapamilya Network matapos ang ma-tagumpay na adaptation ng “Rubi” at Thalia-serye na “Maria La Del Barrio” at “Maria Mercedes. Mamarkahan ng “Pasion De Amor” ang pagbabalik sa pagdirehe ng teleserye ni Eric Quizon. Kasama rin sa cast ang nagbabalik-telebisyong si Te-resa Loyzaga, Aubrey Miles, Michelle Madrigal, Ahron Villena, Ingrid Dela Paz, Daria Ramirez, Alex Castro AJ Dee, Ron Morales, Zeppi Borromeo, Ashley Rivera, Benj Bolivar, Nathaniel Britt, Mauro Lumba, June Macasaet, at espesyal na partisipasiyon ni Mr. Ronaldo Valdez.

Huwag palalampasin ang nag-aalab at nag-aapoy na “Pasion De Amor.” Uy, lumevel raw rito sina Jake, Joseph at Ejay sa Mexican hunk actor superstars na sina Mario Cimaro, Michael Brown at Juan Alfonso Baptista.

Para sa updates i-follow ang @pasiondeamor_tv sa Twitter at @pasiondeamor .abscbn sa Instagram o i-like ang Pasiondeamor.TV sa Facebook. Nakapang-iinit naman talaga gyud!

Muling paglipad ni Nathaniel (Marco) tinutukan sa Pinas, TFC

Dahil sa teaser, na ipinalabas noong Miyerkoles sa “Nathaniel,” sa muling pagpapakita ng pagiging isang guardian angel ni Nathaniel na talagang nakaaantig sa damdamin ng bawat Kapamilya. Noong Huwebes ay inabangan talaga ng milyon-milyong manonood dito sa Pinas at TFC ang naturang episode kaya naman pumalo sa mas mataas na national TV rating ang nasabing inspirational drama series ng ABS-CBN matapos masaksihan ng buong sambayanan ang muling paglipad ng bidang anghel na ginagampanan ng Kapamilya child actor na si Marco Masa.

Base sa datos mula sa Kantar Media noong Huwebes (Mayo 28), nakamit ng “Nathaniel” ang all-time high national TV rating nitong 37% o mahigit doble ng katapat nitong programa. Dahil sa aksidente na muntik nang ikapahamak ni Abby (Yesha Camile), ginamit ni Nathaniel ang kanyang mga pakpak upang sagipin ang buhay nito. At masusundan pa ngayong Lunes ang paglipad ni Nathaniel para iligtas ang taong malalagay sa kapahamakan. Maitatago pa nga ba ni Nathaniel sa lahat na siya ay isang anghel? Paa-no nga ba maaapek-tohan ang kanyang misyon sa lupa ka-pag nalaman niya na si Rachel (Shaina Magdayao) at Paul (Gerald Anderson) ang tunay niyang mga magulang?

Huwag palampasin ang mas kapanapanabik na tagpo sa kuwentong magpapatunay na may kabutihan sa puso ng mga tao, “Nathaniel,” gabi-gabi pagkatapos ng “TV Patrol” sa ABS-CBN Primetime Bida.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook. com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram. com/DreamscapePH. Samantala maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Nathaniel” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbn-mobile.com para sa karagdagang impormasyon.

 

About hataw tabloid

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *