Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Penitensiya ng MRT, LRT riders

Penitensiya ng MRT, LRT riders

EDITORIAL logoLALONG tumatagal ay lalong nagiging kahabag-habag ang sitwasyon ng mga pasahero ng MRT at LRT.  Ito ay sa kabila nang pagpataw ng dagdag-singil sa pasahe magkakalahating taon na ang nakararaan.

Hanggang ngayon ay wala pa rin naki-kita at nadaramang pagbabago ang mga pasaherong araw-araw na lang ay na-kikipagbalyahan, pumipila nang mahigit kalahating oras para lang makasakay sa sobrang bagal na takbo ng mga tren ng MRT at LRT.

READ MORE:  Police security ng pul-politiko babawiin sa eleksiyon

Pasakit na nga sa bulsa ang mahal na pasahe, araw-araw pa ang mala-peni-tensiyang pagsakay rito.

Ngunit hanggang ngayon ay nanati-ling tengang-kawali pa rin ang gobyerno, higit sa lahat ang departamento na sumasakop sa MRT at LRT na pinamumunuan ni Transportation Secretary Emilio Joseph Abaya.

READ MORE:  FOI tinik sa dibdib ng mga dorobo

Puro paliwanag at paghingi ng pasensiya ang kayang gawin ng gobyerno.  Pero anong saysay nang paghingi ng pang-unawa kung wala namang nakikitang konkretong solusyon sa araw-araw na problemang kinakaharap ng mga MRT at LRT commuters.

At sa halip na solusyonan ang problema sa bagon, riles, at iba pang problemang teknikal para sa pagpapatakbo ng tren, nakapagtatakang inuna pa nito ang pagbili ng turnstile o gate na dinaraanan ng mga pasahero.   

READ MORE:  Sentro ng illegal drugs ang Maynila, sabi ng PNP; MPD Bulag, Pipi at Bingi

Ilang buwan na lang ang natitira sa administrasyon ni Pangulong Aquino, hihintayin pa ba itong tapusin ni Abaya?  O baka naman dapat na siyang kaagad magbitiw sa kanyang pwesto.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved