Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Politikong may radio/TV ads, kasuhan ng graft!  

Politikong may radio/TV ads, kasuhan ng graft!  

00 pulis joeySABI ng kilalang COMELEC lawyer na si Romulo Macalintal, ang mga politiko at miyembro ng gabi-nete ni PNoy na may mga lumalabas na radio at TV ads ngayon at tatakbo sa darating na halalan ay maaring kasuhan ng graft para hindi na makatakbo sa eleksyon 2016.

Dahil masyado aniyang halata na ang advertisement nito ay self serving at porma na ng maagang pangangampanya sa eleksyon gamit ang pera ng taong bayan.

E sino-sino ba ang mga mokong na may naglalabasan nang commercials sa radio at TV?

Nandiyan si Vice President Jojo Binay na nagdeklara nang tatakbong presidente, Senador Alan Peter Cayetano na nagpaplanong tumakbo sa higher position, TESDA Director Joel Villanueva na sasabak sa senatorial at MMDA Chairman Francis Tolentino na tatakbo rin senador. Sino-sino pa ba? Paki-text n’yo nga ako, mga pare’t mare…

Binanggit din ni “Atty. Mac” ang mga politiko na nagkakabit na ng mga tarpualin ng kung ano-anong pagbati at paalala kuno. Na masyado namang halata na porma na ng maagang panga-ngampanya. 

Epalitiko!

Komite para maghanap ng VP ni Binay

Nag-lunch meeting no’ng Miyerkoles sina Vice President Jojo Binay, kasama ang kanyang anak na si Senadora Nancy, United Nationalist Alliance (UNA) interim president Cong. Toby Tiangco at Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.

Pinag-usapan umano ang pagbuo ng komite para magdesisyon kung sino ang magiging running mate ni VP Binay at senatoriables sa dara-ting na halalan.

Ito’y matapos tanggihan nina Senador Grace Poe, Mayor Rodrigo Duterte at ex-Sen. Ping Lacson ang alok ni Binay na maging running mate sa 2016. Dahil sila’y malalakas ding presidentiables.

Sa pakikipagpulong kay Erap at pagmungkahi ng “search committee” para makahanap ng maka-tandem ni VP Binay, nangangahulugan lamang ito na tuloy siya sa pagtakbong presidente at hindi papayag na maging-Vice uli kapag nagdeklara rin ng pagtakbong pangulo si Erap. Nangangahulugan din na mayor pa rin ang  tatakbuhin  ni Erapski, habang si Vice Mayor Isko Moreno ay no choice kundi makipagsapalaran sa mabigat na senatorial battle.

Maaring isa rin ito sa dahilan kung kaya’t sinadya ni VP Binay si Erap para linawin ang na-ging pahayag ng dating presidente kamakailan na bukas siyang tumakbo uling pangulo sa 2016. Naging magkasama ang dalawa noong 2010.

Sino sa tingin ninyo ang dapat maka-tandem ni VP Binay? Sabi ni Percy Lapid, si Amay Bisaya raw. Ngek! Suggestions naman ng netizens, alin kina Ebeng Baloloy at Gerry Limlingan.

Para sa akin naman, seriously… Binay-Erap nalang para buo ang kanilang “mass” support!

Hinaing ng CAFGU sa Samar

– Sir Joey, mga CAFGU po kami ng Catarman, Northern Samar. Nais lang namin iparating ito sa pamunuan ng AFP at DND. Sobra na po kasi ang mga anomalya dito sa 52nd Bravo Company. Hanggang ngayon po hindi parin binibigay ang differential namin. Samantalang noon pa po ini-release ang pera. Pati po ang kakarampot na allowance ng CAFGU dini-delay nila. Ang mga opisyal po dito walang pakialam sa amin dahil na-kikinabang din po. Kasi kahit patay na nasa payroll pa. 

May mga tenerminate nga po sila na wala namang dahilan pero andun pa po sa payroll ang mga pangalan nila, 7 months na hanggang nga-yon. Sila pong mga opisyal ang nakikinabang sa mga allowance ng mga pina-terminate nila. Sobra na ang pang-aabuso nila sa mga CAFGU dito. Pinapatubo pa nila sa bangko ang pera na para sa amin. – CAFGU ng 52nd Bravo Company, Northern Samar

Reklamo vs guards sa Harbour Centre Port Terminal (Tondo)

– Gud day, Mr. Venancio. Report ko po dito sa Harbour Centre Port Terminal sa Vitas, Tondo, Manila, grabe ang ginagawa ng mga OMNI guards sa main gate. Ayon sa kanila, order daw ng PMO office. Hindi naman po kami tutol dahil policy yan. Ang hindi lang maganda, Sir, bakit ayaw nila magbinta ng STICKER sa mga may bike laluna pag sa HCPTI pumapasok? Imagine P20 bawat pasok at magkano lang naman ang sahod namin dito, P410 ang araw 12 hrs. yun dahil guards din po kami dito sa loob. Pls lang po tulungan nyo kami na bentahan o bigyan ng sticker. Willing naman po kami/ako na magbayad ng sticker kaya lang po ayaw nila magpa-issue sa may bike. Yun daw ang policy. Sir, hirap na po kami. – HCPTI guard

Sana makarating ito sa mga opisyal ni Romero (Rhegis o Mikee) at librehin nalang sa sticker ang mga trabahador sa loob ng kanilang Harbour Centre. Tutal ang purpose  naman ng sticker na yan ay for identification ng mga pumapasok na sasakyan. Sa ti-ngin ko, kaya hindi binibigyan ng guards ng sticker ang mga pumapasok  dyan ay para makarami sila sa biente biente ng mga pumapasok. Buking!

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved