Saturday , April 20 2024

Kawatan nangisay sa koryente (Gasoline station pinasok)

PATAY ang isang  jeepner barker na nagtangkang nakawan ang isang gasolinahan nang mahawakan ang live wire sa loob ng cashier’s booth sa Caloocan City, kamaka-lawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Nelcar Enate, 20, ng Sarimburao St., Brgy. 8, ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ni SPO2 Joselito Barredo, dakong 9 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng cashiers booth ng Shell Gasoline Station sa kanto ng C-4 Road, Dagat-Dagatan Avenue ng nasabing barangay.

Kasama ang isang alyas Liit, winasak nila ang kandado at pinasok ang cashiers booth ng gasolinahan ngunit nahawakan ng biktima ang live wire kaya siya ay nakoryente.

Nataranta si alyas Liit sa nangyari kaya iniwan ang biktima at tumakas.

Nabatid na isang linggo nang sarado ang gasolinahan dahil sa isinasagawang pagsasaayos ngunit tinangkang pagnakawan ng biktima at ng kanyang kasama.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *