Friday , April 19 2024

6-anyos kritikal sa dos por dos

GENERAL SANTOS CITY – Kritikal sa General Santos City Hospital ang 6-anyos batang lalaki makaraan hampasin ng  dos-por-dos ng kanilang kapitbahay kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si alyas Dodong, taga Saeg, Brgy. Calumpang sa lungsod, habang ang suspek ay si Josephine Alaman, 40-anyos.

Sa impormasyon mula sa lola ng biktima, tinawag ng suspek ang kanyang apo at nang lumapit ang bata ay bigla niyang hinataw ng dos-por-dos na kahoy sa ulo.

Hindi pa nakontento ang kanilang kapitbahay, ipinasok pa sa sako ang bata ngunit napigilan ng mga nakasaksi sa insidente.

Nabatid na kamakailan lang ay namatay ang mister ng naturang suspek na pinaniniwalaang dahilan kaya mistulang nawala sa matinong pag-iisip.

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *