Saturday , April 20 2024

Litsonero nasagip sa tangkang suicide (Umakyat sa tuktok ng krus)

CEBU CITY – Nabulabog ang mga residente ng Brgy. Pajac, lungsod ng Lapu-Lapu, Cebu nang umakyat sa tuktok ng krus ng simbahan ang isang lalaki pasado 8 a.m. kahapon.

Kinilala ang biktimang si Eric Bulay-og, 27, isang litsonero, at residente sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na may tumawag sa kanilang himpilan kaugnay sa nasabing insidente.

Agad nagresponde ang  grupo  nina  PO2 Winston Maldegro patungo sa simbahan.

Palihim silang umakyat patungo sa kinalalagyan ni Bulay-og na nadatnan nilang nakayakap sa malaking krus.

Dinakma nila si Bulay-og na hindi na nakapalag at ibinaba saka dinala sa himpilan ng pulisya.

Sa tactical interrogation  ng  mga awtoridad, iginiit ng suspek na may gustong pumatay sa kanya.

Tinitingnan ng Lapu-Lapu City Police kung may diperensiya sa pag-iisip si Bulay-og o gumamit ng ilegal na droga.

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *