Saturday , April 20 2024

Laos na starlet, DOM na gov’t off’l ‘kinakalantare’ ang pondo ng bayan

 

00 blind item 2ni Peter Ledesma

DAIG pa raw ang tumama sa lotto ng isang laos na TV starlet sa kanyang bagong bingwit na DOM as in dirty old man na nagkataong opisyal sa isang kontrobersiyal na ahensiya ng gobyerno. Sa hitsura at sa edad, halos tatay na nga raw ni starlet ang bago niyang nakuhang azucarera de papa. Napakagalante raw ni ‘lolo’ dahil ngayon lang daw siya nakatikim ng kakaibang romansa ng starlet, na hiniwalayan ng kanyang ka-live-in noon.

Wowowee nga raw talaga ngayon at well provided ang mga bayarin at luho ng laos na starlet. Madalas daw na bigla na lang sumusulpot sa opisina ni DOM government official ang starlet para humingi ng pang-shopping. Biyernes pa lang ay hindi na makita si ‘lolo’ sa kanyang opisina dahil sa mga ‘out of town trips’ and abroad.Talagang hindi na maawat ang pagyaman ni gov’t official. Aba ‘e dinaig pa niya ang mga tunay na rich and famous na pirming naka-wekeend get away kasama ang kanyang kinababaliwang starlet. Maitanong lang natin, saan kaya nanggagaling ang nilulustay ni DOM gov’t official sa pagbibigay ng maalwan, masagana at maluhong buhay kay starlet?!

Sabi tuloy ng mga empleyado sa nasabing ahensiya: “May budget para sa kaluhuan ng s’yotang starlet pero umiiyak ang mga empleyado dahil hindi ibinibigay ang OVERTIME PAY?!”

Ay, parang kilala na kung sino si government official, gyud!

 

About hataw tabloid

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *