Thursday , April 25 2024

Maja Salvador bumigay kina Dennis Trillo at Richard Yap (Sa kanyang latest adult romance drama movie sa Regal at Star Cinema)

 

ni Peter Ledesma

052215 Dennis Maja Richard Yap

SABI ay nagiging palaban na raw ngayon si Maja Salvador sa pagtanggap ng mature roles na pa-sexy.

Nag-start ang pag-accept ni Maja ng ganitong klaseng papel sa pinag-usapan nilang teleserye noon nina Angel Locsin at Jericho Rosales na “The Legal Wife” from Star Creatives. Yes ilang beses nagkaroon ng kissing scene at love scene si Maja kay Echo na naulit dito sa bagong teleserye nila ng mahusay na aktor sa “Bridges of Love” kasama si Paulo Avelino.

Although mas tame ‘yung intimate scene nila ngayon ni Jericho ay daring pa rin ang Kapamilya actress bilang Mia na dating bar dancer. Hanep ‘yung kanyang mga ginawang sexy dance sa serye na talagang nakapukaw sa atensiyon ng male fans.

Ngayon sa kanyang latest flick na “You’re Still The One” with Dennis Trillo, Ellen Adarna and Richard Yap ay kaabang-abang naman ang walang kiyemeng tukaan nila ni Dennis at tatlo ang love scene ni Maja sa aktor sa iba’t ibang sulok ng bahay partikular na sa kuwarto.

Actually equal sila ni Ellen na may tatlong ti-tillating scenes rin kay Dennis pero mas palaban at mas daring naman daw ‘yung ginawa ni Ellen na sabi bago gawin ang love scene ay nagsagawa muna ng ritwal sa set. Hindi naman kasi kung sino lang ‘yung makaka-love making niyang si Dennis na in real life ay crush niya.

‘Yung kina Maja at Richard naman ay suwabe lang at first time lang ginawa ng sikat na actor ang bed scene nilang ‘yon ni Maja, kaya siguradong may gulat factor sa fans. Happy si Maja dahil maayos niyang nagawa ang maseselang eksena na hinihingi ng script at thankful siya at good job siya lagi para sa kaparehang si Dennis.

Kung paano nakayanan ni Maja na gawin ito ay narito ang naging tugon ng aktres sa nakaraang presscon ng kanilang movie sa Dolphy Theater.

“Nakayanan ko naman po. Huminga na lang po ako nang malalim at inisip ko na lang na ako si Elise (pangalan ng character niya sa pelikula), lalong-lalo na doon sa eksena ko with Papa Chen (Richard), nagawa naman po nang maganda. Artistic naman ‘yung pagkakagawa,” sey pa niya.

Ikagugulat rin ng daw ng moviegoers ang dialogues ni Maja sa pelikula na mas aggresive pa kay Dennis na gumaganap na Jojo, schoolmate niya at masyadong in-love sa kanya at handang maghintay kung kailan siya magiging ready na makipagrelasyon dito.

Si Elise kasi ang tipo ng babae na hindi naniniwala sa relasyon at diyan iikot ang kuwento ng nasabing adult romance drama movie na produced ng Regal Entertainment at Star Cinema. Sa husay ni Maja, magpaka-daring man siya ay respetado pa rin bilang isa pinakamagaling nating aktres sa industriya. Sa May 27 na pala ipalalabas sa mga sinehan nationwide ang “You’re Still The One.”

Posibleng mag-hit ito gyud!

GRAND FINALS NG PINOY HENYO HIGH PAUTAKAN NATIONWIDE BUKAS NA SA EAT BULAGA

Pagkatapos ng grand finals ng Pinoy Henyo High, Sayawan nationwide ang nagyari last Saturday na ang University of San Carlos Cebu City ang itinanghal na Grand winner at nanalo ng tumataginting na P500,000. Ngayong Sabado ay masasaksihan naman ng mga Dabarkads ang kaabang-abang na Grand Finals ng Pinoy Henyo High Pautakan nationwide na pitong schools din mula Luzon, Visayas at Mindanao ang maglalaban sa Ultimate Pautakan Battle na sabi pa sa teaser sa Eat Bulaga ay puso ang laban ng bawat mga estudyante. Kabilang sina Joyce at Lester ng Muntinlupa National High School na sa talas at bilis mag-isip, umabot lang sa 9.8 seconds, mabilis nang nasagot ng dalawa ang pinahuhulaan sa kanilang si Sam Smith, Gerome & Joniel of Antipolo National High School with 13.9 seconds sa animal na Orangutan; Sina Haidee at Lauter ng Holy Angels University sa sagot na Muscle with 13. 96 seconds; Karen and Gerald of St. Vincent College Cabuyao Laguna with their answer Egypt in just 9.37 seconds kasama ang pang-limang school na Dasmariñas East National High School at mga pambatong sina Rowell at Kaycee na natumbok si

Ariana Grande sa loob lamang ng 10 at 59 segundo.

Abangan kung sino pa ang dalawang school from Visayas and Mindanao ang papasok sa nasabing grand finals na ang magwawagi ay tatanggap rin ng kalahating milyong piso. Sino kaya ang tatanghaling Grand winner?

Aba’y panoorin ninyo bukas sa Eat Bulaga, ang top rating longest running noontime variety show sa Philippine Local TV.

 

About hataw tabloid

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *