Friday , April 19 2024

Dating tauhan ni Napoles ipinaaaresto ng Sandiganbayan

IPINAAARESTO ng Sandiganbayan 1st Division ang dating tauhan ni Janet Napoles makaraan dalawang beses na hindi sumipot sa arraignment.

Bukod sa pag-aresto sa dating empleyado ni Napoles na si Laarni Uy, ipinababawi rin ni Associate Justice Efren Dela Cruz ang inihaing piyansa ng akusado.

Nitong Huwebes sana ang ikalawang arraignment ni Uy ngunit hindi na naman dumalo kaya ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pagpapalabas ng warrant of arrest.

Noong Abril 8 hindi rin natuloy ang arraignment kay Uy dahil hindi siya nagpakita maging ang kanyang abogado.

May limang araw noon ang kampo ng akusado para magpaliwanag ngunit wala rin natanggap na sagot ang korte.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *